|
|
| Alma Moreno, nag-iilusyon!Author: Leo M. Bukas WALA raw kasalang magaganap between Alma Moreno at sa isang mayor ng Marawi City. Nag-iilusyon lang daw si Alma na pakakasalan siya ng naturang mayor dahil ang totoo, happily married daw ito sa assemblywoman na mula rin kanilang lugar sa Mindanao. Ito ay bahagi ng ilang text message na natatanggap ni Jobert Sucaldito sa radio program naming Showbiz Mismo sa DZMM na napapakinggan Lunes hanggang Biyernes, 3 to 4 p. m. May iba pang text message na ipinadala kay Jobert ng mga taga-Marawi, pero dahil sensitibo ang ilan dito kaya hindi na namin ito ipa-publish. * * * SINAYANG ng ABS-CBN ang paglabas ni Geoff Eigenmann sa seryeng Lobo na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin. Ngayon ay nasa GMA-7 na si Geoff at kapipirma lang niya ng kontrata. Ayon kay Perry Lasingan (manager ni Geoff), ang unang magiging project ni Geoff sa Siyete ay ang S. R. O. na isang cinema serye. Hindi na namin insusisa pa kay Perry kung ilang taon ang pinirmahan nilang kontrata sa Siyete. Sana lang ay maalagaan din siya ng naturang network katulad ng pag-aalaga nila kay Dingdong Dantes na talent din ni Perry. * * * ANG galing-galing ng bandang Shirley & The Empire. Sayang at wala kaming makitang pictures nila sa google. Sana'y nakita ninyo ang itsura nila. Ang banda ay binubuo nina Shirley, Joey, Heart at Bradley on vocals. Kanya-kanya ng style sa pagkanta ang apat. Sina Shirley at Bradley ang bumibirit sa grupo. Kung familiar kayo sa revival version ng Making Love Out Of Nothing At All na babae ang kumakanta, sila 'yon. Bago pa lang si Brad sa Empire, pero crowd drawer na siya. Ang galing-galing niya sa mga kantang I Don't Wanna Miss A Thing, Always Be My Baby, Lately at marami pang iba. Tonight (March 14) ay nasa Enclave sa Angeles, Pampanga ang Shirley & The Empire. Every Thursday ay nasa Mugen Bar naman sila. * * * Patuloy na nangunguna ang May Bukas Pa sa ratings game nationwide ayon sa TNS survey results kaya naman hindi rin bumibitaw ang bawat manonood sa lalong umiigting na mga eksena sa nasabing telserye na mapapanood sa ABS-CBN. Sa mga susunod na tagpo, dalawa sa mga pari sa monasteryo na sina Father Ringgo (Lito Pimentel) at Father Jose (Dominic Ochoa) ang may madilim palang nakaraan. Malalaman na si Father Ringgo pala ay isang ex-convict at si Father Jose naman ay nasampahan dati ng manslaughter. Sa kabilang dako naman, may mga karakter sa kuwento na magbabago ang buhay dahil kay Santino at ito ay sina Minerva (Kaye Abad) at Peter (Joross Gamboa). Kung paano babaguhin ni Santino ang kanilang buhay, yun ang dapat antabayanan ng lahat. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www. ABS-CBN. com. Source: People's Tonight |