Feb 09
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alyssa Alano alaga ng politiko

Alyssa Alano alaga ng politiko

Author: Gary Sta. Ana

SIMULA nang lumabas ang mali-maling pagkanta ng Kiss Me ni Alyssa Alano ay unti-unting nagkaroon ito ng puwang sa industriya ng showbiz. Kung dati ay dinadaanan lang ng kamera ang dating miyembro ng Vivahotbabes eh, ngayon ay tinututukan na siya ng TV cameras.

At dahil din sa pamali-maling English ni Alyssa, pumatok ito at lalo na nang itambal siya kay Joey de Leon sa isang segment ng showbiz talkshow na Startalk.

Pero, sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Alyssa, mukhang wala yatang nali-link sa kanya ngayon. Ang pagli-link naman kina Alyssa at Joey de Leon ay tipong hard-sell. So, walang naniniwalang may relasyon sila.

Lately, balitang may isang lalaking may mataas na katungkulan sa gobyerno ang nakaka-date ni Alyssa. Tsismis na ma-dalas makita sa isang restobar sa Quezon City ang dalawa. At ito nga ay pinapuntahan namin sa aming 'spy' para ma-confirm.

Nang mag-report sa amin ang aming 'spy' nakita raw nitong totoo ang tsismis and in fact, very sweet sa isa't isa sina government official at Alyssa. Sa pag-iimbistiga raw ng aming 'spy' nalaman nitong pinsan ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ang ka-date ni Alyssa. Ang name daw nito ay Atty. Wilhelm Soriano, Commissioner ng Human Right.

Ang tanong ngayon magsyota naba ang dalawa o nanliligaw pa lang si Atty. Soriano kay Alyssa?

Eh, papaano na ang 'tambalan' nila ni Joey de Leon?

Source: Taliba