Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alyssa boba ang image, pero maabilidad

Alyssa boba ang image, pero maabilidad

Author: Raymund Vargas
Column: G A L A

NGAYONG buwan ng Setyembre ay tatlong bagong reality shows ang napapanood sa GMA-7. Ang mga ito ay ang World Records ni Paolo Contis, Ripley's Believe It or Not ni Chris Tiu at ang Masquerade naman nina Ariel at Maverick.

Sa tatlong ito, ang Masquerade nina Ariel at Maverick ang pinakamataas ang rating nu'ng ipinalabas ito. Nakakuha ito ng 19%, samantalang ang World Records ni Paolo naman ay nakukuha ng 15 percent at 12 percent naman sa show ni Chris Tiu.

Ibig sabihin nito, mas nagustuhan ng mga manonood ang show nina Ariel at Maverick. Hindi naman ito nakapagtataka dahil sa Japan, kung saan nag-originate ang naturang show, ay ito rin ang number one show. May isang karakter akong nakikitang mas magpapadagdag ng excitement sa naturang prog-rama. Ito ay ang nanay ni Ariel na si Mommy Elvie na napanood ko sa ABC5 sa show na Mommy El-vie's Problematic Show.

Sa totoo lang, bagay din siya sa Masquerade.

* * *

NAKATUTUWA naman itong si Alyssa Alano. Tatahi-tahimik lang siya, pero isa palang mahusay na negosyante.

Ang pagsasalita niya ng mali-maling grammar sa English ang naging trade mark niya. Boba rin ang kanyang naging image, pero sa totoong buhay, matalino siya.

Magiliw at mabait ang alagang ito ni Annie Ayro-so na laging may ngiti sa kanyang kapwa at 'di mo kakikitaan ng kasungitan. Wala rin siyang pakialam kahit na kung minsan ay binabastos siya.

Kaya hindi naman nakapagtataka kung bakit isa siyang well-loved personality sa local showbiz. Hindi rin siya masamang tinapay sa GMA-7 executives. May show si Alyssa sa Metro Bar on Oct. 1. Allure ang title ni-to.

Nakatutuwang malaman na todo-suporta rito ang mga kaibigan at iba pang kasamahan niya sa showbiz. Ito ang first time na magpu-produce si Alyssa ng show, kaya thankful siya dahil mara-ming tumutulong sa kanya. 'Pag naging successful daw ang Allure ay magpu-produce ulit siya ng marami pang shows.

Source: Taliba