|
|
| Ama ni Vince del Rosario, naglabas ng hinaing ukol sa estado nila![]() Column: Showbiz Mismo Maraming nagtatanong kung sino ba ang Vince del Rosario na mapapangasawa ni Inah Revilla? Kamag-anak daw ba ng mga del Rosario ng Viva Films si Vince? Kilalang pamilya sa lipunan ang kinabibilangan ni Vince, lalo na sa larangan ng negosyo, may mga kaibigan kaming nakakakilala sa pamilya ng binata at nagkakaisa ang mga ito sa pagsasabing milyonaryo ang pamilya ni Vince. Uulitin lang namin ang kuwento ng isang nakausap namin nung minsan, "Grabe ang yaman ng family ni Vince. Literal silang old rich, pero tahimik lang sila. "Yung father ni Vince na si Jorge del Rosario, may nagbenta sa kanya ng house and lot sa Forbes Park, almost four hundred million pesos ang halaga ng property, outright, binili niya yun nang hindi man lang siya tumawad. "Nung minsan namang naglalaro ng tennis ang wife niyang si Patricia, may nagpakita ng brochure kay Jorge, mga bagong labas ng sasakyan na milyun-milyon ang halaga. "Nung umuwi si Patricia mula sa pagte-tennis, meron nang bagong nakaparadang sasakyan sa harap ng house nila, binili yun ni Jorge for her. Example lang yun kung gaano sila kayaman," kuwento ng aming source. Nung isang gabi ay nakilala na namin nang personal ang mag-asawang Jorge at Patricia sa inagurasyon ng isang bagong restaurant sa Nakita naming nakikipag-picture-taking si dating First Lady Imelda Marcos sa loob, nandun din si Senator Mar Roxas, marami kaming nakitang kilalang pesonalidad dun sa linya ng pagnenegosyo. Dun pa lang ay malalaman mo na kung saang antas ng lipunan nabibilang ang pamilya ni Vince, nakalulula ang kanilang kinaroroonan, pero hindi mo yun mararamdaman dahil sa mainit na pag-aasikaso ng mag-asawa sa mga manunulat na nandun sa okasyon. Sa dami ng kanilang mga bisita ay hindi sila nakalilimot na mangumusta sa amin, asikasong-asikaso nila ang mga press people, kaya ang pagkailang ay madali rin naming nakalimutan. * * * Nung Martes nang gabi pala ay namanhikan na ang pamilya Aminado naman si Jorge na hindi niya nagustuhan ang mga naglalabasang pangmamaliit Hindi nagustuhan ni Jorge ang lumabas na kuwentong may ginanansiya siya sa pagtulong sa kampanya ni Senador Bong bilang vice governor at governor ng "I'm not taking any credit for what I've done for Bong, hindi ko sinasabing ako lang ang sumuporta sa kampanya niya, but I could say na malaki ang naitulong ko sa kanya. "And I'd also like to emphasize that I was never an employee of Bong and will never be. Isa lang ang naging boss ko sa buong buhay ko, ang father ko, in his own business. "I helped Bong a lot because he's my friend. I did not receive even a single centavo from helping him. Hindi totoong kumita ako sa kanya, ako ang naglabas ng pera nung kumandidato siya and I don't need that because I have my own money. "I was so affected by the talks. We could have avoided it kung kinausap lang agad ako ni Bong. But we already talked about it, I've ventilated my emotions when we went to their place for the pamanhikan," kuwento ni Mr. del Rosario. Dahil sa pansamantalang hindi nila pagkakaintindihan ng senador ay si Vince na lang ang binigyan niya ng karapatang makipag-ayos sa pamilya Revilla para sa kanilang kasal ni Inah. "I was not part of the plan, si Vince na lang ang binigyan ko ng authority to do that. Welcome na welcome si Inah sa family namin because Vince loves her so much," dagdag kuwento pa ni Jorge del Rosario. Source: The Philippine Star |