Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

American game show host, makikigulo

American game show host, makikigulo

Author: Pilipino Star Ngayon

Dumating na sa ban­sa ang Deal or No Deal American host na si Ho­wie Mandel noong Mar­tes upang magsa­gawa ng isang special epi­sode para sa around-the-world tour ng kani­lang programa na mai­pa­­subok sa mga Ameri­kanong players kung paano natin ni­lalaro ang hit game show dito sa Pilipinas.

Nakatakdang mag-taping si Howie ngayon Huwebes kasama si Kris Aquino bilang co-host, 26K girls, at pati na rin si Banker.

Ang two-hour episo­de ng Deal or No Deal – Around the World na ipa­palabas sa US sa May 7, ay tatampukan ng da­lawang American con­testants na mag­lalaro ng game ayon sa rules ng Kapamilya Deal or No Deal, ang Philippine franchise ng show na prinodyus ng ABS-CBN, ngunit ang laman ng mga brief­cases ay US dollars alin­sunod sa paglaro nila sa Amerika.

Ayon naman kay En­demol USA manager of production Shannon Herlihy, napili ang Pili­pinas na maging bahagi ng world tour dahil na­aliw at natuwa ang En­demol sa atake na­ting mga Pinoy sa na­turang show.

Ang Deal or No Deal ay na nagsimula sa Ne­ther­lands at  ni-loca­lize sa 50 bansa. Sa US  ang mga con­tes­tants ay nag­la­laro upang ma­nalo ng top prize sa  pagbu­bukas ng 26 brief cases na may nila­laman mula 1 cent hang­­gang US$1M.

Source: The Philippine Star