|
|
| Anak ng negosyante, kaagaw ni Luis kay AngelAuthor: Ogie Diaz SA wakas, nakita na rin namin nang malapitan ang mga miyembro ng EB Babes ng Eat Bulaga. In fairness, magaganda naman ang mga hitad. Ang kaso, nu'ng ipakilala kami sa kanila ni Lian Paz, eh, parang nakakita silang lahat ng multo. Buti 'kamo, hindi namin sila sinakal (naku, zombie raw kami, o!) Tinanong namin sila, "Sino 'yung nali-link dito kay Dingdong Dantes na nababasa ko sa dyaryo? Nakalimutan ko lang ang name, eh. " Aba, walang umimik. Dedma. Kaya ang ginawa namin, isa-isa naming tinanong ang kanilang pangalan. Hanggang sa ayun, "Ikaw pala, Zaida 'yung nali-link kay Dingdong!" Ayun, awa ng Diyos, dedma pa rin ang beauty ni Zaida. Siguro nga, true ang isyung nagka-something-an sila ni Dingdong sa Boracay. If ever it's true, at least, hindi kiss and tell si Zaida. * * * HANGGANG ngayon, palaisipan pa rin sa ating lahat: Ano ba talaga ang nangyari? Ba't nag-cry si Angel Locsin sa ASAP '09 two Sundays ago? Ah, so, may tampuhan sila ng dyowa niyang si Luis Manzano? Confirmed ba 'yon? Kasi naman, wala tayong naririnig mula sa dalawa. Walang nagsisiwalat ng totoong dahilan ng kanilang tampuhan. Hindi naman natin magawang magalit dahil personal na nila 'yon. Ano naman ang pakialam natin in the first place? And in the second place, oo nga, artista sila, kaya ang publiko ang curious as to what really happened. Anyway, eto, hindi pa confirmed, ha? May nagtsika lang sa amin. Na ang dahilan daw ay - ewan, ha? Sana hindi true - na may third party. At si Angel daw 'yon, hindi si Luis. Ang sey pa, eh, hindi raw alam ni Luis na dyowa pala ng anak ng isang business tycoon si Angel. Na ang sey pa - again, ewan if this is true, ha? - na binigyan daw nito ng bonggang bahay sa White Plains ang aktres. Matagal na raw itong pinag-uusapan ng neigHBOrhood association. May ganu'n? Naku, sana naman, hindi ito true. At kung true man, eh, sana, tapusin na ang relasyon para i-save ang isa pang relasyon, 'di ba? So, ang tanong: Ito nga ba ang dahilan ng tampuhang Luis at Angel? O meron pang iba? Naku, may ganu'n? * * * WA ek. Touched naman kami dahil na-invite kami sa post-Christmas party for the press ng Royal Era Productions ni Tita Annabelle Rama. Thanks to Jun Lalin. May taping kami nu'n para sa May Bukas Pa sa Pampanga, baka malabo. Pero kung wala, go ang beauty namin, 'no! Hehehe. Anyway, thank you kina Tita Annabelle, Richard at Raymond Gutierrez, Ruffa at sa iba pang alaga ng Royal Era for remembering us. 'Yung maalala lang kami, malaking bagay na, kahit wa na kami join sa raffle, thank you pa rin. Advanced happy birthday kina Richard at Raymond sa January 21. * * * NAKAUSAP namin ang ilang Navoteño bago kami sumalang para mag-host sa 103rd Foundation Day ng Navotas. Sad sila, kasi last term na raw ni Mayor Toby Tiangco. Sa eight years daw nitong pamamahala, wala silang reklamo. Bongga, masarap ang simoy ng hangin kung saan itinayo ang stage, nag-host kami at napakaraming nanood. 'Yun pala, dating dumpsite ito na unti-unting nilinis at ginawang parang plaza na pinagdarausan ng mga event o pagtitipon sa Navotas. "Every weekend po, may aerobics kami rito tuwing umaga. Walang patid 'yan. 'Yan ang gusto ni Mayor Toby. "Kami naman, hindi masyadong nalulungkot, dahil sasaluhin din ng kapatid niya ang Navotas sa susunod na termino. "Si John Ray, na nangakong kung ano ang magandang adhikain ng kanyang kapatid, itutuloy niya at aasahan naming kami pa ring mga Navoteño ang makikinabang sa kanilang mga proyekto. " Juice ko, si Mayor Toby pa, 'no! In fairness, hindi pinagbabago ng panahon ang mamang ito. Source: People's Tonight |