|
|
| Anak ni Chavit, bagong dyowa ni Lovi![]() Author: Nel Alejandrino TOTOO palang hiwalay na sina Jolo Revilla at Lovi. Guess kung sino ang nali-link kay Lovi ngayon? Si Ronald Singson. If Ronald's name sounds familiar, it is because na-link din siya kina Angelu de Leon at Sunshine Dizon. Besides, Ronald also has a famous father, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Ronald also co-produces concerts with good friend Jomari Yllana. * * * Definitely, going places na ang five-year-old na si Cha Cha "Bulilit" Cañete. Well, Cha Cha is the young girl na na-feature sa isang commercial ng Camella Homes, a subdivision owned by presidentiable Manny Villar and family. The girl is a mainstay of Goin' Bulilit on ABS-CBN. She will also be featured soon in another Kapamilya show featuring four other young stars. Lumabas na rin si Cha Cha sa pelikula bilang apo ni Governor Vilma Santos sa In My Life. * * * Ang katabilan at kakulitan ni Cha Cha ang naging dahilan kung bakit natawag niya ang atensiyon ng movie, TV at commercial director na si Erik Matti. Minsan daw, nasa isang coffee shop si Direk Erik. Cha Cha and her mom were around, too. Dahil nga sa kadaldalan at kakulitan, nilingon ni Direk Erik ang bata. Nakita niya rito ang kabuuan ng batang hinahanap niya for a commercial na gagawin niya for Camella Homes. The rest, wika nga, is history. * * * Magpu-full-TIME actress na pala ang dating girlfriend ni Paolo Bediones. We are referring to Abby Cruz, former Bb. Pilipinas first runner-up. Bida si Abby sa isang independent movie. * * * Maganda ang feedback sa unang movie nina President Erap Estrada at Ai-Ai de las Alas, lalo pa nga at ipinalalabas na ang trailer ng pelikula. May titulong Ang Tanging Pamilya, it also stars Toni Gonzaga and Sam Milby. Introducing naman si Mommy Dionisia Pacquiao. Kuwela ang eksena sa trailer showing Ai-Ai and Sam arguing. Actually, the scene is a spoof of a scene sa pelikulang In My Life involving Ate Vi and John Lloyd Cruz. Nakakatuwa ang pagba-buckle ni Sam dahil he had to deliver his lines in Tagalog. Pero ang nakakatawa ay nang pagsasampalin siya ni Ai-Ai dahil ayon sa komedyana, nahihirapan na siya sa kasa-shower ng laway ni Sam sa mukha niya. * * * Walang dudang from beginning to end ay comedy ang Ang Tanging Pamilya. Ito naman ang forte ni Direk Wenn Deramas, pati na rin sina Ai-Ai at President Erap. Toni and Sam may have appeared in some dramatic movies and TV shows, pero hindi masasabing 'nagpaiwan' sila sa comedy scenes sa Ang Tanging Pamilya. Ang isang surprise revelation, wika nga, ay si Mommy Dionisia, whose scenes, especially with Ai-Ai, ay maituturing na riotous. * * * Personal: Happy birthday today (October 28) to our niece, Fatima Dumalagan. Source: People's Tonight |