Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anak ni Giselle Tongi, extra sa 'Desperate Housewives'

Author: Ruel Mendoza

NAGPADALA sa amin ng mga litrato ang US-based na si Giselle Tongi, at kuwento niya, naka-attend daw siya ng Screen Actors Guild Award kamakailan.

Ito ang second year na nakadalo si Giselle ng naturang awards night dahil member pala siya ng Screen Actors Guild or SAG na may apat na taon na.
Kahit na dalawa na ang anak ni Giselle mula sa kanyang American husband na si Tim Walters, patuloy pa rin siyang nagpapa-screen test sa iba't ibang projects sa Los Angeles sa tulong ng kanyang agent. May nagawa na nga siyang ilang commercials at print ads.

Pati nga ang mga anak niyang sina Sakura at Kenobi ay may sariling mga agent at lumalabas na rin ang mga ito sa ilang TV shows at commercials.

Tulad nga ng baby boy niyang si Kenobi ay ilang beses na raw lumabas bilang isa sa mga neigHBOrhood babies sa Despe­rate Housewives.

Source: Abante