Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anak ni Grace kay Jolo isinuko na ni Rosanna Roces sa mga Revilla

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

KUNG dati ay ipinagkakait ng mag-inang Rosanna Roces at Grace Adriano kay Jolo Revilla ang naging only son nila na si Gab, ngayon ay ibinigay na ng mag-ina sa anak ni Sen. Bong Revilla ang pa-ngangalaga sa bata.

Alam ni Jolo na may bago nang karelasyon ang anak ni Osang na si Grace at hangga't maaari ay ayaw namang ipa-mukha ni Jolo na may ba-go na rin siyang pag-ibig sa katauhan ni Lovi Poe.

Samantala, ipinaliwa-nag ni Jolo na okey lang sa kanya kahit sino ang ipareha kay Lovi kaya ti-nanggihan niya ang offer ng TV5 kung saan isa sa main cast ang girlfriend.

Basta ngayon ay ma-sayang-masaya si Jolo dahil may bago na siyang fantaserye, ang Pepeng Agimat na isinalin sa te-lebisyon ng ABS-CBN.

Kapiling pa niya ang poging anak na si Gab da-hil ipinaubaya na nga sa kanya ng mag-inang Osang at Grace ang pa-ngangalaga sa bata. Mas makakapag-bonding na silang mag-ama.

Hindi rin pababayaan ni Jolo ang pag-aaral na siyang ipinangako niya sa magulang na sina Sen. Bong at Lani Mercado. Magtatapos siya ng pag-aaral at magiging mabu-ting ama sa kanyang anak na si Gab.

Unti-unti na ring nagma-mature si Jolo. Hindi na ito chickboy na tulad ng dati. Magmula nang maging sila ni Lovi ay na-ging seryoso na sa buhay ang binatang ama.

* * *

PROBLEMADO ngayon ang sikat na basketball player at TV host na si Chris Tiu.

May offer kasi sa kanya na maglaro sa PBA.

Ayon sa aming source pinag-iisipan ni Chris ang offer dahil baka magkaroon ng conflict sa dalawa niyang programa sa GMA7, ang Ripley`s Believe It Or Not every Monday sa GMA Tele-babad kung saan ipinapakita niya sa show ang kamangha-manghang nangyayari around the world, at ang Pinoy Records nila ni Manny Pacquiao every Saturday na tampok ang magigi-ting na Pinoy sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ngayong Lunes sa Ripley's...isang batang susuot sa ilalim ng mga nakahilerang kotse habang nagi-skating nang naka-split. Sundalo, ibinigay sa museum ang mga daliri sa kamay at paa para magsilbing alaala sa mga sakripisyo ng mountain climbers. Alimango, mil-yun-milyon ang dami da-dagsa sa isang bayan pa-ra lalong magparami. Skydiver tatalon nang limandaang beses sa eroplano sa loob ng beinte kuwat-ro oras.

* * *

INAMIN kamakailan ni Jericho Rosales na toto-ong nagkita sila ni Heart Evangelista at nanood si-la ng sine at twice na raw nangyari 'yong pagdi-date nila sa movie.

"We broke up without proper ending and it`s the most painful part. Kaya nang magkita kami ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magka-usap. Napag-usapan na-min ang mga gusto na-ming sabihin sa isa`t isa, kaya okey na kami nga-yon," pahayag ni Echo.

Nagkikita na raw sila noon pa sa church, pero it took daw a while bago niya nagawang lapitan si Heart at niyayang mano-od ng sine isang araw sa kanilang pagtatagpo.

"I still want to be friends with her. We wan-ted to have peace," es-plika pa ni Echo.

So, posibleng magkabalikan pa sila ni Heart dahil sa mismong bibig na rin ni Echo ito nangga-ling.

Reaction naman niya tungkol kay Cindy Kurleto na naging ex-girlfriend din ni Echo. Dumating na ang dalaga sa Pilipinas from Australia.

Yayayain din ba niya itong manood ng sine ka-pag sila ay nagkita?

Kaagad na sagot ni Echo: "Why not? Mas masaya na maging friend mo ang naging ex-GF mo, di ba?"

* * *

WE heard na magtatapat sa telebisyon ang Darna ni Marian Rivera at Lo-vers In Paris nina KC Concepcion at Piolo Pascual.

Parehong ginastusan at pinaganda ang dalawang shows kaya siguradong aabangan ang magi-ging ratings ng mga ito.

Ultimo mga press people ay 'di maiwasang magkanya-kanyang opinyon kung alin ang magki-klik sa televiewers.

Sa kampo ni KC, mas may edge daw ang Lover in Paris dahil katambal ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta si Piolo Pascual na marami na ring follower sa TV.

Samantalang si Marian ay ngayon lang sasabak na hindi si Dingdong Dantes ang ka-partner.

Pagtatanggol naman ng kampo ni Marian, may follower na raw ang Darna sa telebisyon at kahit na sino ang gumanap sa role ay siguradong aaba-ngan at panonoorin.

Well, sa August naka-takdang ipalabas sa TV ang Darna at Lovers in Paris.

Source: Taliba