|
|
| Anak ni Mark Anthony![]() Author: Lolit Solis Natuloy ang Guam trip nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino noong Sabado ng gabi. Kasama nila ang mga anak na sina Raphe at Renz. Looking forward si Rudy sa biyahe nila sa Guam dahil matagal na mula nang magkasama sila sa ibang bansa ng kanyang mga anak. Pinili nila ang Guam dahil ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Hindi sumama ang dalawang bagets sa US trip ng kanilang mga magulang dahil busy sila sa school. Halos two weeks sa Amerika sina Rudy at Lorna. Can't afford ang mga bagets na mag-absent ng matagal sa school. * * * Naka-display pa rin sa Robinson's Mall ang billboard ni Chelsea. The who si Chelsea? Siya ang anak na babae ni Mark Anthony Fernandez. Magandang bata si Chelsea at malakas ang duda ko na type niya na mag-artista pero di siya papayagan ng kanyang Papa Mark. Matalino si Chelsea. Matataas ang kanyang grades. Kapag pinayagan siya na mag-artista, baka malibang si Chelsea at puwedeng yon ang maging dahilan para mapabayaan niya ang pag-aaral. Bagets na bagets pa si Chelsea pero mahiyain ang dalaga dahil sa kanyang prim and proper na kilos. * * * Nega ang feedback kay Danita Paner dahil sa kanyang emote na impyerno ang naging buhay niya sa piling ng kanyang nanay na si Daisy Romualdez. Kinaiimbyernahan si Danita dahil inaruga at pinag-aral siya ni Daisy pero nagpakita siya ng kawalan ng utang na loob. Kung maraming reklamo si Danita sa kanyang ina, hindi na siya dapat nagsalita sa TV dahil hindi naman siya siniraan ni Daisy nang una itong lumabas sa TV. Gusto lang ng nanay niya na bumalik na siya sa kanilang bahay. Source: Pilipino Star Ngayon |