|
|
| Anak ni Martin kay Katrina, tinuturuan ni Robin ng bad wordsAuthor: Vinia Vivar Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap sa press ang panganay na anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin kahapon para sa As 1, back-to-back concert ng kanyang ama at ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Sina Robin at Gab Valenciano (anak ni Gary) ay kasama sa nasabing napakalaking concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa September 19 kaya naman kahapon, ipina-interview ang dalawang "sons" kasama ang kani-kanilang "father. " In fairness to Robin, kahit first time niyang humarap sa press at matanong ng ilang personal questions, nakaya naman niya itong sagutin in a witty manner. Ang impresyon nga ng lahat, manang-mana siya sa kanyang ama o baka nga wittier pa. Habang niru-roast si Robin ng press, parang stage father naman si Martin na pabalik-balik na mukhang kinakabahan sa maaaring itanong sa anak. For instance, natanong siya about Katrina Ojeda na, as we all know, ay karelasyon ng kanyang ama ngayon at aniya, okay naman sila. Dumating din sa puntong naitanong kay Robin kung nasaktan ba siya sa monkey issue way back at say niya, "ah, nope. I'm a big boy. " Ang naging unang reaksyon lang daw niya that time ay "why do you guys have to talk about it?" Natanong din si Robin kung kumusta naman siya bilang kuya kay Santino (anak nina Martin at Katrina). "I'm trying to teach him all the bad words," nakatawa niyang sagot. "He does not speak Tagalog. The first Tagalog word that he ever said, I taught him, it took me two months, was 'kamote,'" he added laughing. When asked why kamote, say niya, madalas niya kasi 'yun sabihin na parang expression na niya. Nang tanungin naman si Martin tungkol dito, aniya, "Yes, I was there when he said kamote, and I just said he has to define what a kamote is, and Santino is like 'ha? Mote!'," at nagkatawanan lahat. Natanong din si Robin kung nangangarap pa ba siyang magkabalikan ang parents niya at naging very honest naman siya na sabihing "oh yes, ever since I was 12. " Ayon kay Martin, normal naman sa mga bata ang i-wish na magkabalikan ang parents na naghiwalay. "Maybe in the very deepest part of Pops' heart and my heart, maybe that's our dream also. Who knows? One can never really say what, you know, what the future holds, only God knows. "But the thing is, we're really good friends, we're still very close, we're still very much a family, Robin and Ram, Pops and I, we're still very close," sabi ni Martin. Sa ngayon, kitang-kita na nating mukhang susunod din si Robin sa yapak ng kanyang parents and in fact, nag-aral pa siya sa U. S. ng short production course. Pero ayon kay Robin, mas gusto niya behind the camera, backstage doing technical at production aspects. Sina Robin at Gab lang ang special guests nina Martin at Gary sa As 1 dahil may konsepto rin itong fathers and sons. Ayaw sabihin ng dalawang "sons" kung ano ang gagawin nila sa concert dahil surprise raw. Produced by Manila Genesis Entertainment, mabibili ang tickets sa Ticketnet (911-5555), Ticketworld (891-9999), Manila Genesis (706-2170 to 72) and Studio V (726-4614). * * * More on Robin's personal life, nai-share niya sa press na wala siyang girlfriend ngayon. May non-showbiz girlfriend siya dati at umabot ng isang tao't kalahati ang kanilang relasyon. Wala raw siyang showbiz crush at never pa siyang nanligaw ng taga-showbiz. Inamin niyang umiyak siya at nasaktan nang maghiwalay ang kanyang parents noon, pero natanggap daw niya ang katotohanang ito after quite some time. "It's just accepting the fact that my mom and dad have their own lives. I accepted that and I said, whatever makes them both happy, you know. " Open siya sa posibilidad na puwedeng mag-asawa ulit ang mommy niya at ang masasabi lang niya, kung saan ito masaya, okay sa kanya. Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon niya sa breakup ng mom niya at ni Jomari Yllana, aniya, hindi siya nagme-meddle sa personal affairs ng kanyang ina. Source: People's Tonight |