|
|
| Anak ni PJ, pumirma sa RegalAuthor: People's Tonight KAPIPIRMA lamang niya ng 12-picture deal sa Regal Entertainment nu'ng isang gabi, pero ngayon pa lang, mukhang magiging kontrobersyal na ang 20-year-old former commercial model na si Carla Abellana. Bukod kasi sa pagkakaroon ng hawig sa equally controversial actress na si Marian Rivera (pareho silang may malalalim na dimples), unwittingly ay napatutsadahan niya ang fave screen partner ni Dingdong Dantes sa interview portion bago ang contract signing. Nagtapos daw kasi siya ng Psychology sa De La Salle University, kaya komento ng showbiz press, pareho pala sila ni Marian. Umayon naman ang dalaga, pero dinugtungan niya ito ng "But I'm cum laude," na ikinatawa ng kaharap na writers. Actually, walang kaide-ideya ang bagets na iniintriga na siya ng reporters. In fairness to Carla, sinabi niyang may respeto siya kay Marian bilang aktres, magaling daw ito't maganda pa. Open din siya sa pakikipagkilala sa female lead ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at kapuwa exclusive Regal Baby someday. Sa totoo lang, wala pang acting experience si Carla, although galing siya sa angkang showbiz. Anak siya ng dating actor na si PJ Abellana sa anak ng beteranang aktres na si Delia Razon, si Rhea Reyes. May blessing daw ng pamilya ang pag-aartista ng dating preschool teacher. Si Roselle Monteverde-Teo, anak ng Regal matriarch na si Lily Monteverde, ang nakakita kay Carla sa kasal ni Cheska Garcia Oktubre nu'ng isang taon. Nagkataon namang kaibigan si Carla ng pamangkin ng talent manager na si Arnold Vegafria, kaya "naligawan" nila itong pumasok sa showbiz. Inamin ni Carla na nag-audition siya para maging isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro ng GMA-7. At ayon sa kanya, "It was hard, but it was fun also. " Sa ngayon, bukas daw siya sa lahat ng oportunidad na darating at handa siyang makipareha sa kahit na sino. Hindi nga lang niya carry ang pagpapa-sexy. As for her lovelife, "exclusively dating" daw sila ng Ginebra cager na si JC Intal. Kasalukuyan pang naghahanda ang Regal ng first project ni Carla, kaya wala pang maibigay na detalye si Roselle. "Wala pa, wala pa. Her contract will expire 'pag natapos na ang 12 movies. Definitely, her first will be a big one," pangako pa ni Roselle. IFF Source: People's Tonight |