Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anak ni male TV host, may brain cancer

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

IDASAL ang hinihingi ng mga kaibigan ng male TV host para sa kanyang 5-year old daughter na may sakit na brain cancer. Marunong magdala ng problema ang male TV host dahil hindi makikita sa mukha nito ang paghihirap ng kalooban, pero ayon sa kanyang kaibigan, iniiyakan niya ang karamdaman ng anak.

Masyadong sensitibo ang male TV host kapag ang anak niya ang topic kaya hindi sigurado kung magsasalita siya tungkol sa malaking pagsubok sa kanyang buhay.

Matagal nang hiwalay ang male TV host sa ina ng kanyang anak, isang aktres na iniwan ang showbiz alang-alang sa kapakanan ng bata.
***

Naka-confine pa rin sa Coronary Care Unit ng Philippine Heart Center ang singer na si Ely Buendia at mahigpit na ipinagbabawal ang media na makapasok sa kanyang hospital room.

Nag-collapse si Ely sa reunion concert ng Eraserheads noong Sabado ng gabi na naging dahilan para ihinto ang show.

Naghintay ng official statement mula sa pa­milya ni Ely ang kanyang mga tagahanga.

Gumawa ng paraan ang mga miyembro ng media na makakuha ng statement mula sa mala­lapit na kamag-anak ng kilalang singer pero na­bigo sila.

Matunog na mura ang natanggap ng isang researcher ng TV show mula sa isang miyembro ng pamilya ni Ely nang su­bukan niya na humingi ng pahayag para sa kapaka­nan ng fans ng singer.

“P...mo, hindi ka makakatulong sa akin!” ang sagot na natanggap ng TV researcher mula sa isang tao na malapit kay Ely.

Naiintindihan ng media ang nararamdaman ng pamilya ni Ely pero hindi tama na murahin sila.

Maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon kung may naka-assign na spokesperson para magbigay ng update sa kalaga­yan ni Ely. Isang spokesperson na hindi emotional at makakaunawa na ginagawa lamang ng mga reporter ang kanilang trabaho.

Malaki ang naitulong ng media para makilala si Ely at ang Eraserheads.

Hindi kalabisan kung pagbibigyan ng pamilya ni Ely ang kahilingan ng media na malaman ang latest development sa kanyang karamdaman.
Madaling kausap ang mga miyembro ng media. Iginagalang nila ang mg

a pakiusap kaya hindi tama na mura ang isukli o isagot sa kanilang magalang na pagtatanong.
***

“Make it available to those in need,” ang dying wish ni Pete Roa bago ito pumanaw noong August 9, 2007.
Ibinilin niya sa kanyang pamilya na gamitin sa pagtulong sa mga pas­yente ng stroke ang pera na left-over sa kanyang pagpapagamot.

Tinupad ng pamilya ni Pete ang kanyang kahilingan. Sa pangunguna ng kanyang manugang na si Congressman Robbie Puno ng Antipolo, itinatag ang Pete Roa Integrated Media Endeavors (PRIME) noong January 2008.

Board members ng PRIME ang mga tao na malaki ang naging bahagi sa buhay ng yumaong TV personality. Ang kanyang misis na si Boots Anson-Roa, Dr. Abdias V. Aquino, Bibsy Carballo, Jose Mari Chan, Atty. Rafael Evangelista, Fred dela Rosa, Marichu Maceda, Ed Roa at Nestor Torre.

Stroke rehabilitation, broadcast education at propagation ng devotion kay St. Pio of Pietrelcina ang mga prime mission ng PRIME.

To date, 23 ang beneficiaries ng PRIME, ang mga stroke patient na miyembro ng MOWELFUND.
***

Inabot ng hiya si Popoy Caritativo kaya pinigil nito na mapahagulgol ng iyak habang pinapanood niya ang phone-patch interview sa Spanish father ni Marian Rivera.

Ikinuwento sa amin ni Popoy na matagal nang ipinahahanap ni Marian ang ama nito pero wala silang makita na paraan.

Mula nang gumanda ang takbo ng career ni Marian noong isang taon,

hinanap na niya ang ama para maibahagi ang magagandang blessings na dumating sa kanya.

Napaluha sa galak si Popoy dahil natupad sa birthday show nina Marian at Dingdong Dantes noong Miyerkules ang pinakaaasam ng kanyang alaga.

Source: Abante