Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Andrea, nasilipan!

Andrea, nasilipan!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

TIE sina Maricel Soriano at Gina Pare�o sa best performance by an actress in a leading role -drama; solo winner naman si Judy Ann Santos sa best performance by an actress in a leading role � musical or comedy at no show naman ang best actor winners na sina Piolo Pascual - musical or comedy, at Alchris Galura - drama sa katatapos na 4th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society na ipinamahagi last Saturday sa RCBC Plaza.

"Kahit may sakit ako, pumunta ako," bulong sa amin ng Diamond Star na si Maricel habang papasok sa venue.

Kung emosyonal si Gina sa pagtanggap ng acting award at nagba-buckle sa kanyang acceptance speech, composed naman ang Diamond Star na nagpasalamat sa blessing na natanggap niya sa panimula ng taon.

Mixed emotions naman si Juday nang tanggapin ang acting trophy dahil hindi niya akalaing mapapansin ang acting niya sa Kasal, Kasali, Kasalo.

"Mahirap magpaiyak pero mas mahirap magpatawa! Salamat sa blessing at sa aking lucky charm na si Ryan," sambit ni Juday kahit tinalo ni Piolo ang kanyang boyfriend sa best actor-musical or drama-category.

Napa-shit naman si Sid Lucero habang nag-i-speech sa panalo niyang breakthrough performance by an actor para sa pelikulang Donsol.

�Yun nga lang, nakaramdam kami ng awa kay Jason Abalos na nominado rin sa ganoong kategorya kung saan siya pa ang nagbasa ng winner.

"Late kasi siyang dumating, �no? Mabuti nga at nasalang pa siya!" say ng isang staff.

Si Maja Salvador naman ang winner ng breakthrough performance by an actress para sa pelikulang Sukob. After niyang tanggapin ang award, humataw to the max ang alaga ni Manay Chit Ramos kasama si Gab Valenciano sa finale number with Jericho Rosales, Dingdong Dantes at Zsa Zsa Padilla.

Maganda ang naging speech ni direk Jeffrey Jeturian, winner ng best director for Kubrador, na pinasalamatan ang Golden Screen at ENPRESS sa rekognis-yong ibinibigay sa mga independent films.

Sa kabuuan, mabilis ang pacing, maayos ang presentasyon at kakaiba ang naging konsepto ng 4th GSA. Luau ang motiff ng palabas kaya naman relaks at cool ang mga artistang dumating, pati na ang mga performers.

Kuwela naman ang partnership nina Juday at Ryan bilang hosts. Kaya kapag off the air, tawanan nang tawanan ang audience sa spiels nila, huh!

Maging si Heart Evangelista ay magaling din. But take note, talagang super-plug siya ng banda at activities ng boyfriend na si Echo!

Nakakabilib din ang husay mag-host ni Raymond Gutierrez.

Well presented din ang mga production numbers at ang eye-popping ay ang dance number nina Andrea del Rosario, Regine Tolentino at Juliana Palermo. Totoo ba �yung narinig naming sumilip daw ang nipple ni Andrea sa kanyang sayaw? Ano kaya ang naramdaman ng kanyang foreigner-boyfriend?

Source: Abante