Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Andrew E, bumili ng radio station

Andrew E, bumili ng radio station

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

GRABE ang dagsa ng mga tao sa mga sinehan para panoorin ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival nu'ng araw ng Pasko.

Tulad ng inaasahan, muling nanguna sa takilya ang Enteng Kabisote 4 ni Vic Sotto.

Nasa abroad pa si Vic ngayon kasama ang GF na si Pia Guanio, pero sigurado kaming updated siya sa performance ng MMFF entry sa takilya.
S
a ginanap na Parada ng mga Artista nu'ng Lunes ng hapon, pinagkaguluhan din ang float ng EK4.

Maganda at ginastusan ang karosa nito, pero mas maganda ang float ng nagwaging Resiklo ni Sen. Bong Revilla.

Kuwento ni Marlon Bautista, nakatatandang kapatid ni Sen. Bong, P800,000 ang ginastos nila para sa float ng Resiklo.

Abunado pa sila ng P300,000 dahil P500,000 lang ang cash prize na tinanggap bilang MMFF Best Float.

"Okay lang, ang importante'y napansin ang pinaghirapan namin," ani Marlon.
Bago nga pala nagsimula ang parada sa SMX ng Mall of Asia, nagkagulo ang mga guard at taong dumagsa sa lugar.

Pabiro nilang pinahuhuli si Manny Pacquiao, na nakasakay sa karosa ng Anak ng Kumander ng MP Productions.

Tawagin daw si Optical Media Board chairman Edu Manzano para pangunahan ang paghuli kay Manny.

Fake raw kasi at "pirated" ang "Manny Pacquiao" na nakasakay sa Anak ng Kumander float.

Ayon sa nasagap naming tsika, hindi nakadalo si Pacman sa Parada ng mga Artista dahil nakatakdang pumunta sa Boracay kasama ang pamilya.

Mabuti na lang at nakahabol ang leading lady niyang si Ara Mina dahil wala rin si Valerie Concepcion, na hanggang ngayo'y mukhang may tampo pa sa director nilang si Kaka Balagtas.
* * *
NAKATSIKAHAN namin si Andrew E. sa backstage ng Quirino grand stand at ipinagtapat niyang bumili siya ng radio station na apat na araw nang nag-o-operate.
Ito raw ang first Internet ration station sa bansa, na ang pinaka-base ay nasa bahay niya.

"Mapakikinggan ito sa lahat ng sulok ng mundo. Napakalawak ng naaabot nito. Wala akong kasosyo, although may dayuhang tumulong sa amin para maka-penetrate sa kanilang bansa," kuwento ni Andrew.

Magpapatawag daw siya ng presscon para maidetalye kung bakit niya naisipang bumili ng ganitong klase ng radio station.
* * *
NANG makausap namin si Dingdong Dantes sa backstage ng Quirino
grand stand, sinabi nitong sisiguruhin niyang hindi na mauulit ang pagkadismaya ng ilang entertainment writers na hindi naimbita sa thanksgiving party niya bago nag-Pasko.

"Yes, nakarating sa akin ang pagkadismaya nila. Next year, I'll make sure na hindi na 'yon mauulit. Pangako," ani Dingdong.
* * *
THE best of Bubble Gang commercial spoofs ang mapapanood sa Friday ng gabi sa GMA-7 with signature portions and games tulad ng Paningit, Idakdak Mo, Ang Kaltas, Ang Sumpa ng Goodbye, Yehey! May Tuta na Kami, Bestfriends, Punk... Punk... Punk... Punctuation Mark, atbp.

Source: People's Tonight