|
|
| Andrew Wolff, kulang sa pansin!Author: Jojo Gabinete "SIYEMPRE po!" ang sagot ni Andrew Wolff sa isang reporter na nagtanong kung nag-i-enjoy ba siya sa atensyon na ibinigay ng media sa gulo na nangyari sa celebrity boxing match na ginanap sa Aliw Theater noong Linggo ng gabi. Bago nagtanong ang reporter, nakatanggap muna ito ng text message mula kay Andrew na nagbalita na ang gulo na kinasangkutan nila ni Cesar Montano ang headline ng mga news program noong gabi ng Lunes. Sa mga footage na ipinalabas sa mga news program noong Lunes, kitang-kita na wala na sa lugar ang pagsuntok ni Andrew sa kapatid ni Cesar Montano. Isang simpleng hindi niya alam ang boxing rules ang sagot ni Andrew sa mga nagtanong sa paraan ng pakikipaglaban niya kay Rommel. Sa umpisa pa lang, mismatch na ang dalawa. Mas mataas at mas mabigat ang timbang (230 pounds) ni Andrew kumpara sa 180 pounds weight ni Rommel. (Erratum: Si Andrew ang hinabol ng mga supporter ni Rommel Montano na inirereklamo ang maruming laro sa boxing ng model/aspiring actor. Kumaripas ng takbo si Andrew nang makita nito na para sa kanya ang plastic bottle na ibinato ng isang supporter ni Rommel, pero isang TV cameraman ang minalas na tinamaan). *** Ibinalita sa CNN ang pagpapawalang-sala kahapon kay John Mark Karr, ang suspect sa murder case ng 6-year-old beauty queen na si Jonbenet Ramsey. Hindi nag-match ang DNA test kay John Mark sa mga ebidensya na nakuha ng mga Imbestigador sa crime scene noong 1996. Mabilis ang naging desisyon ng mga prosecutor, hindi dapat kasuhan ang suspect na umamin na siya ang pumaslang kay Jonbenet. Mananatili si John Mark sa kulungan ng Boulder, Colorado habang hinihintay ang paglilipat sa kanya sa Sonoma County, California dahil haharapin naman niya ang child pornography case na kanyang kinasangkutan noong 2001. *** Isang matunog na "I object" ang reaksyon ng reader na ayaw paniwalaan ang statement ng isang aktor na hindi pa nito nararanasan na makipagrelasyon sa gay. Sinabi ni Bruce A., na hindi ito gay pero may gay friends siya na nakarelasyon ng aktor noong matamlay pa ang takbo ng movie career nito. Idinagdag pa ng reader na may mga pruweba na magpapatotoo sa kanyang claim pero hindi na lamang niya ilalabas para hindi masira ang magandang image na gustong i-project ng aktor na bida ng isang controversial movie. *** Labis na nag-aalala ang pamilya ng make-up artist na si Bobby Balisi dahil nakakulong pa rin ito hanggang ngayon sa Camp Crame. Nakahanda na ang bail out money para kay Bobby pero na-hold ang kanyang paglaya at labis itong ipinagtataka ng pamilya. Naiintindihan namin ang nararamdaman ng pamilya ni Bobby dahil ngayon lamang sila nakaranas ng ganoong klase ng problema at hindi nila alam kung sino ang mga dapat lapitan para matulungan sila. Kasama si Bobby sa mga dinakip sa police entrapment sa Camelot Hotel noong August 17. Inakusahan ng prostitution ang mga sexy starlet na kasama ni Bobby sa hotel at pambubugaw naman ang kanyang naging kaso. *** Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng You Are The One, ang launching film ng love team nina Sam Milby at Toni Gonzaga. Base sa trailer na aming napanood, isang romantic at feel good movie ang pelikula. Co-stars nina Sam at Toni sa You Are The One sina Rio Locsin, Jao Mapa, Ahron Villena, Eugene Domingo, Jodi Sta. Maria at Gio Alvarez. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |