| | 'Ang damong marijuana'Author: Reyma Deveza Column: TV Current Affairs Si Nognog, matagal ng nagtutulak ng marijuana sa mga kaklase. Ito raw ang dahilan kung bakit siya na-kick out sa school. Si Tikboy, isa namang estudyante pero inaming matagal na siyang gumagamit ng damo. Hindi sila magkakilala pero pareho silang may malaking papel sa malaganap na problema ng pamahalaan sa droga. Kung may nagtutulak, may gagamit at kung marami ang gumagamit, tumataas ang pangangailangan sa damong marijuana. Dahil daw sa pagtaas ng presyo ng shabu, sa marijuana raw nabaling ang pansin ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na droga. Kaya naman kahit ang mga estudyanteng dapat pag-aaral ang inaatupag, marami na rin daw ang nagugumon sa bisyong ito. Sa nakaraang random drug test ng Dangerous Drugs Board sa mga eskwelahan, tatlong estudyante sa kalakhang Maynila ang nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot. Gaano ba kasigasig ang pamahalaang mapuksa ang problemang ito? Nilakbay ni Abner Mercado ang bundok ng Cordillera kung saan ito kadalasang pinanggagalingan daw ng marijuana. Binalikan din niya ang dating taniman ng plantasyon ng marijuana sa Benguet na ngayon ay produksyon na ng silk ang pinagkakaabalahan na ng mga ito. Abangan sa "The Correspondents," Martes ng gabi pagkatapos ng "Bandila." Source: ABS-CBN News |
|