Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel Locsin, Pauleen Luna mag-ingat sa mayamang manliligaw

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

ANO kayang karangalan 'yong sabihin na manliligaw ngayon ng isang sikat na actress ang anak ng may-ari ng SM?

'Di ba dapat mag-ingat ang mga young actress sa manliligaw na ito na matapos magsawa sa isang ar-tistang babae ay poporma naman sa ibang sikat na young actress din.

'Di porke anak siya ng isang bilyonaryo ay kara-ngalan nang matatawag na pinopormahan ka niya.

Mag-ingat at huwag pagagamit sa taong ito na ang ipinagmamalaki ay ang pagi-ging anak siya ng mayaman dahil hindi naman siya ang rich kundi ang kanyang ama.

Sino ang makapagsasabi na habambuhay ay ma-yaman ang kanilang angkan?

Aba! Kapag kinapitan na 'yan ng 'bad karma' at si-ningil na sa mga pagsasamantala niya sa kababaihan, babagsak din 'yan at malamang madamay pa ang kanyang mayamang ama.

Kaya Angel Locsin at Pauleen Luna, mag-ingat at huwag magpadala sa yaman ng isang manliligaw!!!

* * *

BAGO tinanggap ni Robin Padilla na maging consultant sa bagong itinalagang OMB Chairman na si Ronnie Ricketts, kapalit ni Edu Manzano, ay winarningan muna ng dating Bad Boy si RR na maging maayos at walang magaganap na karahasan kapag isinagawa ang pag-raid sa mga nagbebenta ng mga pirated DVD.

Pumayag kasi si Binoe na maging Consultant for Muslim Community dahil nga isa na siyang Muslim ngayon at hindi kaila na ilang mga kapatid niya sa pana-nampalataya ang nagbebenta ng pirated DVDs sa Quia-po.

Maliban kay Binoe ay gusto ring makipag-meeting ni RR sa mga past OMB Chairman na sina Sen. Bong Revilla at Edu Manzano para humingi ng informations kung ano pa ang mga dapat gawin bilang bagong OMB Chairman.

Tama lang na si RR ang ipinalit kay Edu dahil kno-wing Ricketts, wala rin itong kinatatakutan pagdating sa pagpapatupad sa tungku-ling iniatang sa kanyang balikat.

Kesehodang may tama-ang kapwa artista ay hindi nito sisinuhin basta alam niya at nakasisiguro siyang may nagawa ngang labag sa batas ang mga ito.

Hindi rin puwedeng ta-kutin ang isang Ronnie Ric-ketts. Lumalaban ito nang puspusan kesehodang malalaking tao ang nasa likod ng pagbebenta ng mga pirated DVD at CD hindi lang sa Quiapo kundi maging sa iba pang panig ng Pilipinas.

Dapat ay bigyang proteksyon ng kapwa-artista at mga kapwa-artistang nasa pamahalaan si RR sa pagtupad nito bilang bagong OMB Chairman para mapigil na ang lumalalang pagpipirata sa mga produkto ng local movie and recording industry.

* * *

TOTOO pala na kamukha ni Jericho Rosales si Pica Lozano na isa lang sa mga ta-lent ng Star Ma-gic.

Sa September-October presscon ng Star Magic Talents ay nakausap namin si Pica at walang duda na kamukha nito si Echo.

"Flattered nga po ako kapag sinasabi na kamukha ko si Jericho (Rosales), pero sana makilala ako as Pica Lozano," aniya.

Unang nakausap namin si Pica ay naka-focus ito sa pag-aaral ng hairstyling dahil may sariling salon ang kanyang ama sa ibang bansa

Nakalakihan niya ang ginagawa ng ama kaya nakahi-ligan din niyang mag-aral ng hair styling.

Gusto niyang i-hair style noon si Mariel Rodriguez dahil ang liit at cute daw ang mukha nito. Ngayon naman ay gusto niyang ayusin ang buhok ni Anne Curtis dahil cute din ang mukha at mara-mi raw siyang magagawang ayos sa buhok ng young act-ress.

Pero, bago mag-isip ng hindi maganda at pagduda-han ang gender ni Pica, ipagdidiinan naming lalaking-lalaki siya at barako pa nga.

Nangyari lang na naka-lakihan niyang pagpapaganda ng buhok, na karaniwang trabaho ng mga ba-ding, ang negosyo ng ama na isa nang sikat na hairstylist sa ibang bansa at tinitingala ng mga sikat na mga celebrity roon.

* * *

NAKAKAALIW kausap si Kit Kat na hindi pa rin nagbabago magmula nang pasukin ang showbiz at ma-bigyan ng pagkakataong ma-ipakita ang talent sa acting particular sa pagpapatawa.

Isa ring talent ng Star Magic si Kit Kat. Nag-celebrate siya ng kaarawan last Sept. 23, eksakto nang du-mating sa bansa ang bag-yong Ondoy.

Nasa Alaska at New York siya nang kanyang ka-arawan dahil may show siya roon kasama ang iba pang talents ng Star Magic.

Nauna siyang umuwi ng bansa, at laking pagkagimbal niya dahil naging biktima rin sila ng baha dulot ng bag-yong Ondoy.

Pinasok ng tubig-baha ang bahay ng kapatid niyang lalaki at nasira ang lahat ng mga gamit nito, samantalang nawasak din ang bubong ng bahay niya sa Dasmariñas, Cavite. Mabuti na lang daw at nagkaroon siya ng raket sa Alaska at New York kaya natulungan niyang makapagpundar ulit ng kagamitan ang kapatid na lalaki at naipagawa rin niya ang bubong ng kanilang bahay sa Cavite.

Lovelife? Masaya naman daw siya dahil sangka-tutak ang manliligaw niya ngayon, pero wala pa raw siyang napupusuan sa mga ito. Si Kit Kat ang bread winner ng pamilya kaya kayod-to-death ang ina-atupag niya bago ang puso.

"Okey na ako kahit loveless. Maraming manliligaw, pero 'di ko sila sineseryoso. Sa rami ay dagsa rin ang re-galong natatanggap ko. Pa-ligsahan sila kung sino ang mas maganda ang regalo. Ako naman, tanggap lang nang tanggap. 'Di ba ang saya?" pilyang say ni KitKat.

Source: Taliba