|
|
| Angel Locsin is happy that fellow actors support her cause![]() Author: Julie Bonifacio Punong-abala pa rin si Angel Locsin sa kanyang proyekto na 'Shop and Share' katuwang ang 'kumare' na niya ngayon na si Anne Curtis. Nangangalap pa rin si Angel ng items mula sa mga artistang gustong mag-donate through 'Shop and Share' para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. Nagmistulang babaeng Santa Claus si Angel nu'ng makita namin sa hallway ng ABS-CBN pagkatapos ng taping ng ASAP '09 last Sunday. Pasan-pasan niya ang malaking tela ng bag kung saan laman ang binigay na gift items ni John Lloyd Cruz para sa 'Shop and Share.' Ayon kay Angel, sinimulan daw niya ang proyektong ito nu'ng mag-text siya sa mga kapwa niya artista para mag-donate. " Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height level ng energy, sobrang excited din siya. Nakakatuwa si Anne, 'yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya, pareho ko rin 'yan na hindi rin natutulog sa Shop and Share, sobrang hands on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin (na ina-upload sa net). Ang galing ni Anne. Pero 'yung name na 'shop and share' ang best friend ni Anne na si Raymond Gutierrez ang nagbigay. Actually, marami talaga kami dito, nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kungdi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi 'yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan." Ilan sa mga artistang nagbigay na ay sina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion at marami pang iba. " Si KC nakakatuwa kasi ang binigay niya brand-new na Balenciaga and Givenchy bags," proud na sabi ni Angel. Pero ang ikinagulat ng iba ay ang pagbibigay din ni Marian Rivera ng gift niya para sa project. "Tinext ko sina Popoy (Caritativo), 'yung manager nina Marian, nina Dennis (Trillo), ganyan. Nakakatuwa naman kasi nagbigay siya ng schedule agad para magpunta sa bahay niya. Ngayon, 'yung gown ni Marian na ginamit niya sa isang event, pinapa-auction namin ngayon. Bale tatlong items 'yun and nakakatuwa talaga na nag-donate siya sa project namin at siyempre, gusto niyang makatulong," kwento ni Angel. Sa condo ni Popoy nagkita sina Marian at Angel. Nag-hi and hello naman daw sila sa isa't isa. Dati nang magkakilala ang dalawa dahil naging kalabtim ni Marian sa GMA7 noon ang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Boy Sotto. Napag-usapan ba nila 'yung mga intriga sa kanilang dalawa? " Siyempre, alam naman naming may network war, saka hindi maiiwasan na 'yung mga fans namin, may intrigahan, pero kami, hindi namin pinepersonal ang mga bagay-bagay. Saka, sa panahon ngayon, itong nangyayari ngayon, ayaw naming pag-usapan 'yung mga ganyan," she said. Samantala, naitanong din namin kay Angel ang naudlot na pagbabalik-Regal Films niya via the movie, Mano Po 6. Siya sana ang gaganap na anak ni Sharon Cuneta pero hindi na nga natuloy at si Heart Evangelista na ang ipinalit sa kanya. " Bubusina lang ako kay Heart ha, basta ako, ginawa ko naman 'yung part ko, kinausap naman namin ang Star Cinema, ang Regal, sina Mother Lily (Monteverde, Regal Films producer),okay na lahat. Masaya na ako sa ganu'n. Siguro, may ibang pagkakataon naman. Bubusina ako kay Heart, sobrang wala akong ano sa kanya, I'm happy for her. Nanghihinayang lang ako kasi siyempre, gusto kong makatrabaho si ate Sharon ," lahad ni Angel. Samantala, nagsalita rin finally si Angel sa hiwalayan nila ni Luis Manzano. " Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel. Totoo ba na amy third party involved sa hiwalayan nila ni Luis? " Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama na nasabi ko na 'yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," depensa ni Angel. May communication pa rin ba sila ni Luis after the break-up? " Meron naman. Nag-uusap pero may time na hindi, ganu'n." Posible ba na magkabalikan sila ni Luis? " Hmmm.. mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung pwede talagang mangyari 'yon," tapos ni Angel. Source: ABS-CBN Interactive |