Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel, Richard magsasama uli

Author: Dinno Erece
Column: Daily Insider

SA benefit show ng mga Gutierrez, ang Rampa For A Cause na gaganapin sa Rockwell Tent on September 16, magkakasama ulit ang dating mag-partner sa GMA-7 dahil pumayag si Angel to join the fund raising activity na inumpisahan ni Ruffa last year.

Angel will have her own booth sa morning activity where stars will sell some of their personal belongings.

Dapat sana ay si Valerie Concepcion ang may booth dito, pero nagkaroon siya ng conflict with her taping sa ABS. Kahit nasa Hong Kong pa sina Angel and manager Becky Aguila last Wednesday, nag-confirm si Becky sa attendance ni Angel for this charity event na beneficiaries ang World Vision and Make A Wish Foundation.

Hindi lang makakasama si Angel sa night activity ng Rampa na fashion show.

* * *
WALA pang napipili sa tatlong guys si Gee-Ann Abrahan dahil wala pa naman palang nanliligaw sa kanya.

Of all the females of PBB 2, pinakamahaba ang hair ng Assumptionistang si Gee-Ann.

Tatlo ang nali-link sa kanya, ang first runner-up na si Mickey Perz, si Bodie Cruz and si Kian Kazemi. Kasama ni Gee-Ann sina Mickey and Bodie sa Love Spell episode nila, pero palagi pa ring nadidikit ang name niya kay Kian pa rin.

Sabi ni Gee-Ann, baga-ma't na-link daw sa kanya ang halos lahat ng lalaking housemates nang nasa house pa sila ni Kuya - pati si papa Bruce Quebral bago ito naakit ni Wendy Valdez - talagang wala pang nanliligaw sa kanya.

Tanungin mo naman ang tatlo, lahat sila sinasabing maganda si Gee-Ann at type nilang ligawan kaya lang wala pang gumagawa ng first step.

O first step na ba ni Kian ang pagbigay niya ng flowers kay Gee-Ann?

* * *
TATLONG PDA na lang ang pinag-renew ng contract ng Dream Big.

Ang top-three scholars na lang pala ang pinag-renew ng Dream Big Production, ang grand winner na si Yeng Constantino and her two runners-up Jay-R Siaboc and Ronnie Liang. The rest, freelancers na unless kunin sila ng Star Magic.

Sinusulat namin ito to correct the write-up na hindi na raw pumirma ang iba like si RJ Jimenez.

Sila ang hindi pinag-renew.

Anyways, those who have albums to promote pa like Chad Peralta, tutulungan pa rin ng Dream Big and those yet to release their album like the CEBALO band, iu-honor ang contract nila. Kaya masuwerte ang tatlo na may backing pa rin ng Dream Big. Even the guest of Ronnie sa homecoming concert niya today sa Holy Angel Auditorium na si Geoff Taylor, freelancer na rin.

Teka, ganito rin kaya mangyari sa non top four ng PBB 2?

* * *
PAGHIHIWALAYIN na rin ba sina AJ Perez and Lauren Young?

Mamaya at 10 a. m. before Pilipinas Game KNB sa ABS, magsisimula na ang Asian Cruise ng ilan sa original cast members ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2).

Ang mga nakasama lang, sina Hillary (Empress Schuck), Blue (Enchong Dee), Brenda (Carla Humphries), Josh (AJ Perez), Webb (Angelo Patrimonio), Rickson (Chris Gu-tierrez) at Stick (Victor Basa).

Sa cruise, nakilala ni Josh si Aryana, ang Malaysian girl na kamukha ni Nelle. Ins-pirasyon para kay Josh ang kanyang bagong kakilala kaya sinusundan niya ang dalaga kahit saan.

Habang nasa cruise, panay naman ang chat nina Nelle at Josh hanggang makita ni Nelle sa webcam si Aryana na yakap si Josh. Nalungkot si Nelle at sinabi kay Junaps (Bryan Homecillo) ang hinala nito. Ito na ba ang hudyat ng kanilang paghihiwalay ?

Source: Taliba