|
|
| Angel at Richard maglalaban?![]() Author: Vinia Vivar Malaking event talaga ang RRRampa Runway for Charity dahil bukod sa proyekto ito ng magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, halos lahat na yata ng sikat na artista'y may participation, either may booth sila para sa garage sale ng slightly used clothing, o rarampa sa fashion show sa gabi. Sa ngayon, may 55 booths na silang bubuksan, na kinabibilangan ng mga celeb tulad nina Gary Valenciano, Dawn Zulueta, Angel Locsin, Donita Rose, Assunta de Rossi, JC de Vera, John Lapus, Ana Roces, Giselle Sanchez at marami pang iba. Siyempre, may tig-iisa ring booth ang Gutierrez family na pinangungunahan nga nina Ruffa, Richard and Raymond. Marami ang nagulat na may sarili ring booth si Angel. Ang story behind it ay last-minute replacement pala siya kay Valerie Concepcion na biglang hindi pumuwede dahil may naka-schedule na commitment on that day. Ayon kay Richard, the other day lang niya nalamang kasama si Angel at natuwa siya when he learned about it. Pero bago ang naturang fundraiser, magkikita sila ng aktres sa Bangkok sa September 10 dahil may gagawing shampoo commercial. Nang tanungin si Annabelle kung welcome si Angel sa RRRampa, ang say niya, “Oo naman, lahat naman, welcome sa charity. At saka, wala naman kaming problema ni Angel. ” Idinugtong pa ni Tita Annabelle ang linyang “lahat ng kaaway ay welcome,” kaya tanong tuloy ni Jun Lalin kung kaaway daw ba si Angel. “Ang sabi ko, lahat ng kaaway ay welcome, pero wala akong sinabing kaaway ko si Angel. Hindi ko kaaway si Angel. Natutuwa pa nga ako na she's moving on,” paglilinaw ni Tita A. So, may booth din si Yilmaz Bektas? Tawanan uli ang lahat. Anyway, gaganapin na sa September 16 ang RRRampa sa Rockwell Tent. From 8 a. m. -5 p. m. ang Celebrity Bazaar at sa gabi naman ay may gala night, kung saan ay rarampa sa isang fashion show ang sikat nating mga artista tulad nina Gretchen Barretto, Lucy Torres-Gomez, Assunta and Alessandra de Rossi, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Richard Gomez, Rhian Ramos, Marian Rivera at marami pang iba. Ang mga celebrity performer naman ay sina Regine Velasquez, Rufa Mae Quinto, Jay-R at Janno Gibbs. Hosts sina Raymond, Mariel Rodriguez at Tim Yap. Pinasasalamatan ng Gutierrez family ang lahat ng mga sponsor, tulad nina Manny Pacquiao, Direk Carlo J. Caparas and Donna Villa, White Beauty Philippines, Nivea, Maggie, Nescafe, Bench at marami pang iba. * * * Kahit tatakbo pa para mag-taping ng Nuts Entertainment si Richard, after the presscon ay nagpaunlak pa rin siya ng short interview sa press people. Naikuwento niyang sa September ay magsisimula na siyang mag-taping ng bagong fantaserye sa GMA-7 na Kamandag, kung saan ay tatlo ang leading ladies niya �" Maxene Magalona, Jewel Mische at Ehra Madrigal. Nagbiro nga ang aktor na suwerte siya't parating maraming leading ladies. May balitang itatapat ang Kamandag sa La Loba Blanca ni Angel sa ABS-CBN at positibo ang pagtanggap dito ni Chard. “Actually, I'm looking forward to it. It's a different feeling, siyempre, medyo weird, hindi pa nagsi-sink-in sa akin, eh. Pero there are always two sides to a coin. And I'm always looking at the positive side. “Kung magtapat man kami, I think it could help both networks na maging mas exciting, it keeps the industry going, so mas magiging masaya. Mas may challenge pa sa akin, sa kabila, so pagandahan na lang,” ani Richard. Magandang labanan ito 'pag nagkataon. Source: People's Tonight |