Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel ayaw makumpara kay KC

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Nagkaroon kami ng chance na maka-chikahan ang seksing si Sheree nu'ng mapadaan kami sa taping ng U Can Dance at nalaman namin mula sa kanya na may maselan na karamdaman pala ang dalagang ito!

Una, ay masama ang kalagayan ng kidney ni Sheree dahilan sa hindi raw siya masyadong umiinom ng tubig.

Say ng seksing aktres, hindi raw niya gusto ang lasa ng tubig kaya puro softdrinks lang daw ang iniinom niya sa tuwing siya ay kakain.

Bukod dito ay may ulcer pa siya at madalas ay sinusumpong daw siya ng pananakit ng kanyang tiyan.

May isang beses nga raw na hindi niya nakayanang makapag- rehearse ng sasayawin nila dahil sa sobrang sakit.

Pero nawawala naman daw 'pag nakakainom na siya ng gamot. Tinanong namin si Sheree kung bakit ganito ang mga nararanasan niyang sakit-sakit ever?

"Wala kasing nag-aalaga sa akin dito. Nasa States na ang pamilya ko at ang ibang kamag-anak ko naman ay nasa probinsya. " sambit pa nito.

Inamin din ni Sheree na dahilan din ng mga ganitong nararamaman niya ay ang unhealthy lifestyle na meron siya.

" Hindi kasi ako kumakain ng gulay. Hindi rin ako masyadong mahilig sa fruits," na ikina-shock namin habang nakikinig kami sa kanyang salaysay.

Aba, 'yung ibang tao kung anik-anik na ang kinakain para lang mabuhay, di ba? Kung anu-ano na ang herbal na iniinom?!

Inamin ni Sheree na nagkamali rin siya. Aniya, she learned the hard way. Ngayon ay sinisimulan na niyang kumain ng masustansiyang pagkain at hindi puro junk foods lang.

Ito pa ang isang ikina-shock namin, sinabi ni Sheree na by January ay mag-uumpisa na siyang mapagamot ng kanyang cervix. Muli ay tinanong namin siya kung bakit, ano ang nangyari sa kanyang cervix?

Nu'ng muli raw siyang nagpa-check up ay na-detect na may cyst ang cervix niya at may cancer cells ito?

Dyusko, ano ba ito?

Aniya, dati na raw siyang naoperahan sa cervix at bumalik lang uli ang cyst. Nasa lahi na raw nila ang ay problema sa cervix. Tinanong namin si Sheree kung sakali, ano ang medical procedure na gagawin sa kanya? Ipapa-scrape lang daw niya ang cyst.

Tatapusin lang ni Sheree ang pelikulang Roxanne (an Indie Film) at li-lipad na raw siya patu-ngong Amerika para magpagamot.

Good luck, girl!

* * *
Isang taon na pala mula nu'ng magbukas ang Saver's Hub Appliance Centre (along Edsa, tapat ng SM City North) at talagang bongga ang naganap nilang unang anibersaryo kamailan.

Dumalo ang PBB housemates at si Mr. Tirso Cruz III. Bongga ang mga appliances na meron sa Saver's Hub na ito, at discounted pa ngayon dahil anibersaryo nga nila.

Dumating din ang kontrobersyal na parehas na sina Wendy Valdez at Bruce Quebral.

Well, mabuti naman at natigil na ang talakan portion nina Wendy at Uma Khouny.

Hindi na ito maganda tingnan. Kahit sabihin may punto si Uma, at si Wendy ay nakilalang maldita, si Uma pa rin ang nagsimula ng pagpo-provoke kay Wendy.

Hindi magandang tingnan kung magpapatuloy ang talakan nila, kasi lalaki si Uma.

Mas maganda kung manahimik na lang siya para hindi rin siya malagay sa alanganin.

* * *
Nakausap namin si Ms. Becky Aguila nu'ng makasalubong namin ang butihing manager ni Angel Locsin sa compound ng Dos, recently. Sinundo kasi ni Tita Becky si Valerie Concepcion, at hayun, nakipag-chikahan muna sa amin sandali ang manager nina Val at Angel.

Kinumpirma ni Tita Becky na nag-umpisa na ang taping nina Angel at Piolo Pascual para sa kanilang bagong teleserye.

Aniya, madugo raw ang taping ng alaga niya dahil puno raw ng aksyon at adventure ang plot ng bagong proyekto ni Angel.

Siyempre, may great love story behind din umano ito.

Tinanong din namin ang manager ni Angel kung gagawin na ba ni Angel ang pelikula with Piolo?

"Nothing is definite yet. Kasi masyadong madugo ang teleserye nila, mukhang hindi kakayanin kung gagawa pa sila ng pelikula. " sabi pa ni Tita Becky sa amin.

Deadma na rin daw si Angel tungkol sa isyu sa kanila ni KC Concepcion.

Aniya, super flattered daw si Angel 'pag ikinukumpara siya sa anak ng Megastar pero maging si Tita Becky ay sinasabing there's no point of comparison because Angel stared from scratch while si KC, prinsesa na 'yan, eh. 'Yun na!

Source: Taliba