Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel good samaritan kaya good karma

Author: Gerry Ocampo
Column: Go!

KAPAG gumawa ka ng kabutihan sa kapwa ay ti-yak na may babalik sa i-yong gantimpala. 'Yan ang nangyayari ngayon kay Angel Locsin matapos agad na tumulong sa mga nasalanta ng bag-yong Ondoy. Masayang-masaya si Angel dahil ang gantimpalang hindi niya i-naasahan ay ang maging nominated siya bilang Best Actress sa nalalapit na Emmy Awards sa kanyang performance sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN.

Nagbunga ang hirap ni Angel sa teleserye nila ni Piolo Pascual kung saan talaga namang ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte sa first soap opera niya sa Kapamilya Network.

Good karma ang actress na matulungin talaga sa kanyang kapwa.

Si Angel ang ikalawang Pinay actress na-nominate sa Emmy Awards for Best Actress. Nauna sa kanya si Tessie Tomas sa performance nito bilang si Imelda Marcos. Bukod kay Angel, nominated din sa Emmy Awards ang Kahit Isang Saglit nina Jericho Rosales, Carmen Soo at Cristine Re-yes sa kategoryang Best Telenovela.

Congrats kay Angel at sa cast ng Kahit Isang Sag-lit.

* * *

TINAWANAN lang ng kampo ni Manny Pacquiao ang tsikang si Krista Ranillo ngayon ang "apple of the eyes" ng Pambansang Kamao.

Nakasama lang ni Pacman si Krista sa pamimigay ng relief goods sa Angona, Rizal pinalabas nang magsyota ang dalawa.

Bukod kay Krista, karay din ni Pacman ang co-stars niya sa Show Me Da Manny na sina Tuesday Vargas, Lovi Poe at Benjie Paraz sa pamumudmod ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Biro tuloy ng kampo ni Manny, kung si Tuesday pa raw ang natsika ay baka maniwala sila dahil madalas naghaharutan at nagsasa-bing type nila ang isa't isa sa taping ng SMDM na napapanood every Sunday sa GMA-7.

* * *

WALANG TV crew at kamerang nakatutok nang mag-distribute ng relief goods si Katrina Halili at ang kaibigang make-up artist na si Jake Galvez sa mga biktima ng baha sa Marikina, Pasig at Cainta.

"Nawawala ang problema ko sa ginawa naming pagtulong sa mga mas na-ngangailangan. Masaya ako dahil kahit paano nakatulong ako sa aking kapwa," katwiran ni Katrina. Sariling gastos nina Katrina at kanyang kaibigan ang ipinamudmod nila bukod sa tulong ng mga kaibigan at kamag-anak.

* * *

NAGAGAWA nang tumawa at magbiro ni Gladys Reyes nang mag-guest siya last Sunday sa The Buzz.

Kaaliw si Gladys habang ikinukuwento kina Boy Abunda at Kris Aquino ang dinanas na hirap nang lumubog sa baha hanggang second floor ng kanilang bahay sa Cainta. Nagdalawang-isip pa nga raw siya kung ipapaalam ang naging kalagayan nila ng kanyang dalawang anak na sina Cristophe at Aquisha noong binaha ang kanilang bahay sa Cainta.

"Naisip ko kasi na baka ako lang ang artistang binaha. Nakakahiya," kuwento ni Gladys.

Pero dahil nasa panganib na ang kalagayan nilang tatlo sa bahay at nasa abroad ang mister na si Christopher, wala siyang choice kundi humingi ng tulong sa mga kaibigang maaaring sumaklolo sa kanila

"Na-realize ko na sa ga-noong pagkakataon ay dapat mo nang tatanggalin ang pride. Huwag nang mahiya," natatawang sabi pa ni Gladys.

Sinaklolohanan naman siya that day ng kaibigang matalik na si Judy Ann Santos at husband nitong si Ryan Agoncillo. Bukod sa pinasok ng tubig-baha ang bahay nila, lumubog din ang bago niyang sasakyan na six months ago lang niya nabili.

Ang masaklap, hindi raw covered ng insurance ng kanyang kotse ang kalamidad dahil accident insurance lang ito.

Sa isang hotel nakatira ngayon ang mag-iinang Gladys sa tulong at suporta na rin ng mga katrabaho at ka-ibigan sa showbiz industry.

* * *

LAST Sunday ay muling namudmod ng relief goods ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado sa Cavite at Quezon City.

"Kailangan talaga silang tulungan dahil kahit gusto nilang magtrabaho, wala silang magawa sa sitwasyon na nangyari sa kanila," say ni Bong.

Malaking konsuwelo daw kay Sen. Bong habang namumudmod ng relief goods sa mga kababayan nating nasalanta ng bag-yong ay ang pagsisigawan ng mga itong pinapanood nila ang programa ni Senator Bong na Kap's Amazing Stories, every Sunday pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA-7.

Source: Taliba