|
|
| Angel hindi na masagot kung mahal pa si LuisAuthor: Chan-Chan Torres Para kay Angel Locsin, welcome ang anumang tulong na ibibigay ni Luis Manzano sa kanyang proyekto para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng. Ayon kay Angel, walang problema sa kanya kung nais tumulong o mag-donate ni Luis sa Shop and Share project nila ni Anne Curtis. Aniya, kung sino raw ang gustong mag-donate at magbigay ng kanilang pledges, bukal sa loob nilang ta-tanggapin para sa ikauunlad ng kanilang adhikain. Kinumusta si Angel ang SNN (Showbiz News Nga-yon) tungkol sa kanilang da-lawa ni Luis pero paiwas pa rin ang sagot ng dalaga. May mga tsika kasing four months na palang hiwalay sina Angel at Luis pero hindi lang daw mas-yadong napag-usapan until finally ay lumabas ang isyung nagkakalabuan na sila. Nang tanungin si Angel kung mahal pa rin niya si Luis, sinabi nitong, "Naku, mukhang mahirap yatang sagutin 'yan. " Alam kasi ni Angel, na halatang umiiwas, na baka ma-misinterpret na naman ng marami ang kanyang isasagot. Aminado naman si Angel na hindi mawawala ang concern niya para kay Luis lalo pa't may pinagsamahan sila ng TV host. Mukhang okay sina Angel and Luis living their separate lives. Dahil kahit naghiwalay sila ng landas ay sinikap nilang manahimik at hindi 'yung tipong nagtalakan pa sa media. Ipinagmalaki rin ni Angel ang pag-donate ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng kanyang kauna-unahang boxing shoes at jersey na nasuot na niya sa isang laban niya sa abroad. Ayon pa kay Angel, maging siya ay balak mag-bid sa idinonate ni Pacman dahil mahalagang remembrance daw iyon galing sa isang Manny Pacquiao. * * * Nililibot ngayon nina Martin Nievera at Gary Valenciano ang Amerika para sa kanilang AS 1 US Concert Tour kung saan sa 'Pinas ito unang napanood last September sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Masasabing isa ito sa pinaka-succesful na concert nina Martin at Gary at nakakatuwang malaman na hanggang sa abroad nagpasaya sila ng ating mga kababayang sabik makita ang Pinoy artists. Nabalitaan din naming hinahabol daw ng halik si Martin ng mga fans kaya nagbiro ang Concert King na hihingi na siya ng bayad kada halik para ibigay sa Sagip-Kapamilya project ng Dos at Ondoy victims. Hayun at sunud-sunod na ang mga gustong humalik at magbigay ng kanilang donasyon. Bongga si Martin, huh! Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Gary, nu'ng nakita raw ni Mr. Pure Energy ang nangyayari sa stage, naki-join din siya para makatulong sa fundraising ng Dos. Kakatapos lang ng shows ng dalawa sa ilang key cities sa Amerika. Full-support naman ang family nila, tulad ng twin sister ni Martin na si Gina Tabuena-Godinez at si Angeli Pangilinan-Valenciano na nag-aasikaso nang halos mga pangangailangan ni Gary at ibang kasama sa concert tour. Mapapanood sina Martin at Gary sa kanilang US concert tour sa Mayfield Trade Center, Edmonton Canada (Nov. 7) at sa Jubilee Auditorium, Calgary Canada (Nov. 8). Source: Taliba |