|
|
| Angel hindi pa close kay Gov. ViAuthor: Chan-Chan Torres Magkasabay naging panauhin sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto nu'ng Linggo sa The Buzz. Kasama rin ng dalawang aktres sina Ruffa Guttierrez at Gretchen Barretto kaugnay pa rin ito ng Pantene promo kung saan modelo ang mga aktres na ito. Hindi rin pinalampas ni Boy Abunda na maitanong ang kung totoo nga bang may gap sina Juday at Claudine at kung talagang nag-iiwasan sila nu'ng ginagawa ang photo shoot para sa ad ng Pantene? Honest at very candid namang sinagot ni Juday ang katanungang ito. Aniya, "Mga bata pa lang kami (ni Claudine) ang mga tao na sa paligid namin ang nag-aaway para sa amin. Pero kami talaga ay walang gap. Totoong hindi kami nabig-yan ng pagkakataon na ma-ging close at 'yun ay dahil sa hindi kami nagkaroon din ng chance na mag-trabaho together," mahabang sabi pa ni Juday. Dagdag pa ni Juday, nakilala na raw niya ang mga anak ni Claudine na sina Sabina at Santino. Maging si Claudine ay ganoon din ang mga sinabi for Juday, she wishes her well too. Lalo pa't soon ay magkakapamilya na rin daw ang aktres. Muli nilinaw ng dalawa na wala silang bad blood sa isa't isa or whatever. Bukas din pareho sina Claudine at Judy Ann sa posibilidad na magkasama sila sa isang proyekto one day. Ikatuwa na kaya itong mga fans nina Juday at Claudine, will it end the war of the roses? Naku, parang Nora-Vilma ang drama ng mga ito, huh? Anyway, wala naman kaming masabi sa bonggang press launch ng Pantene para sa mga naggagandahang aktres na ito. Nagkikislapan talaga sa ningning sa poolside pa ng Hotel Intercontinental Manila sa Makati ang mga ito, huh? Pabulosa! * * * Sa darating na Mayo 6, (May 10 ang show nito sa Aloha Stadium) aalis na patungong Hawaii si Willie Revillame kasama ang grupo niyang performers sa Wowowee para magbigay kasiyahan sa mga kababayan nating naninirahan doon. Kasamang aalis ni Papi ang co-host niyang sina Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez at Pokwang. Magiging espesyal na panauhin ni Willie sina Lito Camo at Charice Pempengco na balita rin namin ay hindi na raw gagamitin ng dalaga ang apelyido niya, for easier name recall. Mas maganda kung ganon nga, huh. Siguradong patok na naman ito sa mga kababa-yan nating naroon sa Hawaii, lalo na't homesick ang mga Pinoy na nagta-trabaho roon. Available ang mga tickets for this show at Ticket Masters Hawaii- 808 486 9300. Pagbalik nina Willie rito sa bansa ay ang show naman ng Wowowee sa Lingayen, Pangasinan ang kanilang paghahandaan. * * * Aminado si Angel Locsin na hindi pa sila ganoon ka-close ni Governor Vilma Santos-Recto kung kaya't hindi siya nito na i-text nu'ng kanyang kaarawan. Bukod sa katotohanang nasa Amerika pa ngayon si Ate Vi, mapagkumbabang inamin ni Angel na hindi pa raw siya ganoon ka-su-werte para mai-text ng Star for All Seasons. Pinasabi lang daw nito ang pagbati sa kanya. Hindi naiwasang itanong kay Angel ang tungkol kay Ate Vi dahil nali-link siya kay Luis Manzano. Well, hopefully ay mabibigyan din ang chance si Angel na maging chummy with Ate Vi. Knowing the Batangas Governor to be such a warm and gracious lady, di ba? Nakakatuwa ring malaman na extended hanggang July ang Lobo. Magandang balita'yan. Iilan lang ang matitinong teleseryeng palabas ngayon kung kaya't ang hirap bitawan ng Lobo. Gayang sinabi ni Noah (Piolo Pascual), "May mga bagay sa buhay natin na kay hirap pakawalan. " Source: Taliba |