Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel idedemanda ng Regal?

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Kung nagmatigas lang si Mother Lily Monteverde nang pumirma ng kontrata si Angel Locsin sa Star Ci-nema noong kainitan ng pag-lipat ng actress sa ABS-CBN from GMA-7 ay hindi malayong idemanda ng Regal Films big boss ito.

Balita kasi na hindi pa raw tapos ang kontratang pinirmahan ni Angel sa Regal kaya nagulat ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde nang pumirma ng kontrata sa Star Cinema ang actress.

Pero pinagdidiinan naman ni Angel na kaya siya pumirma ng exclusive contract sa Star Cinema ay 8 pictures ang gagawin niya sa Regal.

"Sa pagkakaalam ko, I was supposed to do eight pictures sa Regal. Nine na po ang nagawa ko sa nasa-bing outfit," katwiran ni Angel.

Dahil na rin sa exclusive contract sa Star Cinema hindi uubrang makatrabaho niya si Sharon Cuneta sa Mano Po 6 under Regal Films kahit na gustung-gusto niyang makasama ang Megastar o kaya raw si Lipa Gov. Vilma Santos.

Maliban na lang daw kung papayagan siya ng Star Ci-nema na makasama ng Megastar sa pelikula nito sa Regal Films.

Pangarap ni Angel na magka-award at makasama ang mga veteran actress.

Gusto rin niya makagawa ng isang action movie.

Samantala, tinupad ni Angel ang pangako sa mga entertainment press na magpapa-thanksgiving siya sa lahat ng suporta at bles-sing na natatanggap niya.

Kamakalawa ay tinupad niya ito sa piling ng ilang entertainment press.

Pero mayroon din nagtampo sa actress dahil 'yung mga press na pina-ngakuan niya sa gagawing thanksgiving party ay tila nakalimutan kaya hindi naimbitahan.

* * *

Ikinagulat ng EP, staff at crew ng Cool Center ang lumabas na tsikang na ma-tsu-tsugi na raw ang first live radio program on TV hosted by Anjo Yllana and Eugene Domingo.

Ayon sa nagsulat ng ba-lita, kesyo hindi na raw nagre-rate ang CC nina Anjo at Eugene.

Ang source raw nito ay taga-GMA-7 na nagsabi sa kanya na tatanggalin na uma-no ang show.

When we asked kung sino ang nagsulat, hindi kami nagulat dahil ito rin ang taong nagsulat nang hindi maganda sa mag-amang Jolina at Jun Mag-dangal.

Natatandaan namin, nang makausap si Mr. Jun ay galit sa galit ito sa taong ito dahil matapos na pagkatiwalaan at ituring na kapa-milya nila ay sinasaksak daw sila nang patalikod.

Idedemanda sana ni Mr. Jun ang taong ito pero dahil na rin sa pakiusap ng ilang close friends at reporter ay hindi na lang itinuloy.

Anyway, narito ang pahayag ng producer at staff ng CC: "Good morning! There were a few articles that came out stating that Cool Center will soon be taken off the air. We assure the follower of the show that CC will continue airing on GMA-7 and in fact continuously gaining a loyal stream of callers and viewers.

"Rating wise, the show is also doing well which gives the network no reason to remove it from its current list of programs. "

Ngayong Sabado ay sa-sabihin ni Mr. Cariñoso ang ibig sabihin at kahulugan ng inyong nunal at balat sa katawan.

Sa "Tawag ng Pangangai-langan" ay ipapa-swap ni Richard Gomez ang kanyang sosyal na pampormang vest na ginamit pa niya sa Family Feud kapalit ng salamin sa mata na may pinakamataas na grado.

At alamin sino itong super sexy guest sa "Hubad na Katotohanan. "

* * *

Natawa at hindi na lang pinatulan ni Anjo Yllana ang tsikang madalas siyang nakikitang nakikisakay sa kotse ni Julia Clarete.

Ang ikinagulat lang ni Anjo ay sila ni Julia ang inili-link sa isa't isa.

"Hayaan mo na lang sila Pareng Gerry. Sanay na si Jackie (Manzano) diyan sa tsismis na ini-link ako," say ni Anjo.

Samantala, kaya pala nawala sa Eat Bulaga si Julia ay nagbakasyon ito sa ibang bansa.

Biro nga sa mahusay na TV host/actress ay baka may A(H1N1) ito at kai-langan magpa-quarantine.

Si Wally Bayola naman ay baka matagalan pa ang pagbabalik sa EB dahil nabalian.

* * *

Bonggang welcome ang inihanda sa SOP nga-yong Linggo para sa GMA latest teleseryeng Rosalinda kasama ang kumpletong cast sa pangunguna nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

May birthday celebration din si Sunshine Dizon at big welcome sa first Pinoy Idol winner na si Gretchen Espina.

Mamimigay ng mga relo at iba pang giveaways sa mga loyal TV audience at big, big surprises ang naghihintay sa kanila sa Sunday noontime show ng GMA-7.

* * *

Intriga kaagad ang sumalubong kay Carla Abellana sa ginanap na bonggang presscon ng Rosalinda kamakalawa sa Studio 5 ng GMA-7.

Kaagad naman sinagot at hindi na nagpaliguy-ligoy ang dalaga ni Rey PJ Abellana sa tanong kung totoong nakipagkalas na ito sa non-showbiz boyfriend nang pasukin ang showbiz.

"Totoo po, loveless ako ngayon. Pero wala pong kinalaman ang break-up namin sa pagpasok ko sa showbiz. "

Pangaral nga raw sa kanya ng ama na mahalin ang pinasok na trabaho, panatilihing nakatuntong ang mga paa sa lupa, laging magpakumbaba sa kapwa at huwag dibdibin ang intriga dahil ordinaryo na raw ito sa showbiz.

Source: Taliba