|
|
| Angel, kay Piolo lang papayag makipagromansa![]() Author: Vir Gonzales TIYAK na pag-uusapan sina Angel Locsin at Piolo Pascual paglabas ng una nilang tambalan sa screen, ang Love Me Again ng Star Cinema. Alam n'yo ba na trembling in fear si Angel habang karomansa ang idol ng bayan na si Piolo? Hindi raw sanay ang dalaga sa ganitong love scene lalo't nakahubad siya. Siyempre, tinatakpan itong mabuti ni Piolo kapag napapansing baka makita ang maselang bahagi ng katawan ni Angel. Ayaw ng MTRCB ng ganyan, huh! Hindi naman pala talaga papayag si Angel na lumabas na ganu'n ka-daring ang eksena kung hindi si Piolo ang kapareha. Believe kasi siya sa pagiging gentleman ng aktor. Sa totoo lang, bihira na ang mga kalalakihang kagaya nina Piolo, Sam Milby at Jericho Rosales. Hindi nila sinasamantala ang mga nakakapareha nilang babae. Palabas na ang Love Me Again sa Jan. 15, 2009. * * * Masayang malungkot ang Paskong nagdaan sa aktor na si Fredmoore delos Santos. Si Fredmoore ang napiling gumanap na bida sa pelikulang The Makati Mayor Jojo Binay Story directed by Cyril Lorenzana. Si Aiza Marquez ang leading lady ni Fred. Sina Efren Reyes Jr. , Ricky Davao, Kier Legaz-pi, Archie Adamos, Mark Gil naman ang mga supporting actors. Mara-ming nag-audition pero bukod-tanging si Fred-moore ang nakalusot sa panlasa ng producer. Nagustuhan din ni Mayor Jojo ang acting ni Fred na palaging take one. Malungkot si Fred dahil hindi na niya nakasama ang yumaong misis na si Aileen, dating taga-Thats Entertainment din. Binawian ito ng buhay bago sumapit ang Pasko. Meron silang dalawang anak. Kuwento ng aktor sa amin, matagal hinihinay ng kabiyak ang magandang oportunidad na dumating sa kanya. Dapat ay kasama si Fredmoore sa La Lola, pero biglang napalitan siya sa hindi malamang dahilan. Nasulot kaya? Usung-uso kasi 'yan, eh. * * * Walang umuwing luhaan sa Christmas party tendered by Popoy Caritativo sa mga friends from the press na tumutulong sa mga alaga niyang sina Marian Rivera at Dennis Trillo. Bongga din ang Christmas party ng National Press Club kamakailan na si Mr. Benny Antiporda ang presidente. Si Mr. Jerry Yap naman ang director ng NPC at publisher ng Hataw. Dumating si Valerie Concepcion na seksing-seksi ang suot. Naroon din si Tarah Tambunting. Every body is happy nang gabing 'yon. Totoo nga pala, meron pa ring Santa Claus kahit hirap ang bansa natin. Ngayon lang nagkaroon ng bonggang Christmas party ang NPC. * * * Mali ang pakulong Katrina Halili at Hayden Kho. Pangit ang timing dahil lahat ng tao ay nakatutok ngayon sa MMFF. Teka, mag-aartista ba si Hayden kaya siya "nag-iingay?" Source: People's Tonight |