Mar 12
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel nawawala sa sirkulasyon

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Sa kabila ng kasong libelo na isinampa ni Sam Milby kasama si Piolo Pascual kay Manay Lolit Solis, cool pa rin ang binata nu'ng huli naming makasalubong recently.

Balita nga namin ay magkakaroon na raw ito ng preliminary investigation sa darating na sa Dec. 6 and 13. Ayon pa sa aming natanggap na impormasyon, sa library ng Manila City Hall daw ito gaganapin. As we write this, ay naipadala na umano ang subpoena kay Manay Lolit.

Bilang manunulat, nalulungkot kami at nauwi sa ganito ang lahat. Sayang, mahusay pa naman ma-kisama si Tita Lolit sa kapwa niya reporter kaya sad din kami for her.

On the other hand, isa sa mga dahilan kung bakit feeling good pa rin si Sam despite the storm he's faced ay dahil hindi ito kailanman naka-aPekto sa career niya.

Heto nga't muling mapapanood ang aktor sa Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik at ngayon mas marami raw revelation, twists at mga nakakagulantang na pangyayari na tiyak na muling magpapa-ibig sa manonood.

Naku, halata bang super watch kami ng MSKM?! Paborito namin ang love story nina Sam (JB Berenguer) at Anne Curtis ( Celine Magsaysay).

Tunay na binigyan nila ng hustisya ang tunay na pag-iibigan ng dalawang tao who'has loved and lost. ' Hay naku, hindi kami nagtaka kung pati sa tunay na buhay ay nagkaroon din ng continuation ang kanilang love story, noh?

Vocal naman si Anne na si Sam talaga ang nagpapaligaya sa kanya ngayon, eh.

Why not?

Kumbaga, if life gives you a chance to be happy with someone, grab it. Baka hindi na ibalik ng panahon 'yan sa 'yo, sige.

Hindi rin maitago ang kislap sa mga mata ni Sam 'pag si Anne ang tinatanong sa kanya. Kaya, keber mang binabagyo sila ng intriga.

Bongga!

Abangan natin ang MSKM:Ang Pagbabalik, ngayong darating na Dec. 10.

* * *

Excited ang lahat na mapanood si Angel Locsin bilang house guest sa Pinoy Big Brother. Nagulat nga kami at napapayag nila si Angel na gawin ito, eh.

Kung sa bagay, kailangan ding maging visible ni Angel lalo pa't malapit na ang ipalabas ang teleserye niyang Lobo with Papa Piolo, dapat makita uli ng mga tao sa telebisyon ang aktres at hopefully ay makatulong sa kanya ang maikling stint niya sa Bahay ni Kuya.

May ilan ngang nagtatanong kung bakit tila nawala si Angel sa sirkulasyon? Na dati raw ay bongga ang TV guestings ng dalaga? Well, malamang ay para hindi rin maumay nag tao, di ba? At least, may mystery pa rin kay Angel. Kaya hayun, excited hindi lang ang mga housemates kundi pati mga viewer sa kanyang pagiging isang house guest sa PBB.

Saka gaya ng sabi ni Angel nu'ng kakalipat pa lang niya sa Dos, whatever happens, handa siyang tanggapin ang consequences umano ng kanyang paglipat-be it good or bad.

Go girl!

* * *

Parang pelikula na ang MariMar ng GMA-7!

Komento pa ng halos lahat ng aming nakakausap about this teleserye, na-pataob daw nito ang mga pareho ang tema, gaya ng pagmamahalan paghihiganti at kung anu-ano pa!

Sa totoo lang, revelation sa amin si Dingdong Dantes. Noon ay parang walang dating ang matinee idol na ito kasi nga naman bongga ang mga ka-lebel niya.

Pero ngayon, he exudes sexiness at ibang-iba ang appeal niya lalo na sa girls and gays. Namumula- mula pa ang fez niya at yummy papa na ever!

Nakakatuwang malaman na hindi rin nakaa-Pekto sa ratings ng obrang ito ni Direk Joyce Bernal ang negative issues about Marian Rivera.

Bravo kay Direk Joyce at sa cast ng MariMar lalo na sa paborito naming si Pulgoso!

Source: Taliba