Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel, puntirya ni John Lloyd

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

VERY vocal ngayon si John Lloyd Cruz sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho ang bidang babae sa Only You ng ABS-CBN na si Angel Locsin. Dream come true raw ito sa kanya 'pag nagkataon.

Pero mukhang mahihirapan si John Lloyd na makatrabaho agad si Angel. As of now kasi, marami nang naka-line-up para sa aktres na pelikula ang Star Cinema at isa na nga rito ay ang movie niya with Aga Muhlach.

Isa rin siya sa magiging bida sa Etiquette of Mistresses. Hindi pa namin alam kung sino ang iba pang aktres na makakasama niya rito.

Bukod sa dalawang pelikula, she is set to do another teleserye next year at posibleng bago matapos ang taon, madagdagan pa ang kanyang movie assignments.

Bongga si Angel, huh! Bukod sa very successful career and TV show, wala ring problema sa kanyang lovelife.

Speaking of Only You, nakakatuwang panoorin si Angel na nakikipagsabayan ng pag-arte sa beteranong aktor na si Tirso Cruz III.

May mga pagkakataon din na nasasapawan niya ang co-stars na sina Diether Ocampo at Sam Milby. Ganu'n na kahusay si Angel ngayon, huh!

* * *

NAI-BOOK namin si Katrina Halili para sa dalawang gabi ng show sa Mindanao. Ang una ay sa City of Koronadal (EMR Center) at ang pangalawa ay sa General Santos City (Tierra Montana Hotel).

Siyempre, afraid kami na baka "mabastos" si Angel sa mga pupuntahan naming lugar lalo pa nga't napakakontrobersyal niya ngayon.

Pero kabaligtaran no'n ang nangyari. Sobrang init ang naging pagtanggap kay Angel ng mga tao sa Gensan at Koronadal. Motorcade pa lang, sobrang pinagkaguluhan na ang dalaga.

Panay ang pa-picture sa kanya ng mga tao na halatang nasorpresa sa kanyang pagdating. 'Yung iba, natulala na lang habang pinagmamasdan siya.

Wala kaming na-encounter kahit isang pambabastos mula sa audience habang nagpe-perform siya.

Kasama naming nag-punta sa Gensan sina Richard Pinlac, Roel Caba at ang make-up artist ni Kat na si Edwin.

Sabi sa amin ni Kat, napakasayang experience ang naramdaman niya habang nasa Mindanao and she's hoping na ganu'n din ang maranasan niya sa iba pang out-of-town shows na pupuntahan niya.

Sa Gensan na namin napanood ni Kat ang paglabas ng audio CD ng conversation nina Manay Lolit, Hayden Kho, Vicki Belo, etcetera.

* * *

Isang pack ng mga selebrasyon ang magaganap sa ASAP '09 ngayong Linggo dahil tiyak na mapalilibutan ang mga manoonood ng mga birthday bashes at awarding ang kanilang hapon.

Pangatlong birthday bash na ni Sarah Geronimo ngayong Linggo kaya naman tunghayan ang inihanda ng mga naglalakihang Kapamilya stars para sorpresahin ang Pop Princess ng bansa.

Samantala, makakasama muli ng birthday boy na si Rayver Cruz ang mga dating miyembro ng Anime dance group sa isang production number bilang regalo na rin niya sa kanyang mga taga-suporta.

Isang special treat naman ang handog ni Zanjoe Marudo sa kanyang kaarawan. Bibigyan din ng Gold record award sina Bugoy Drilon at Toni Gonzaga.

May special production number din si Bea Alonzo kasama sina John Lloyd, Sam at Piolo Pascual.

Source: People's Tonight