|
|
| Angel, tinalbugan ni Valerie!![]() Author: Dondon Sermino Hindi kasali si Angel Locsin sa pelikulang Supah Papalicious, pero napasali siya sa interbyuhan para sa naturang pelikula, na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Valerie Concepcion. Eh kasi nga, hindi talaga maiiwasan na mabanggit si Angel, kapag si Valerie ang kaharap ng mga manunulat. Unang-una, parehong alaga ni Becky Aguila ang dalawa. At halos magkasabay rin silang lumipat mula sa GMA 7 papuntang ABS CBN 2. Mas nauna nga lang mabigyan ng project si Valerie sa Dos, dahil naging co-host siya ng Wowowee. Samantalang si Angel ay ilang buwan pa lang na nabibigyan ng project ng Dos, ang Lobo, with Piolo Pascual. Eh, mas tumindi pa ang tsika, dahil mas nauna ring bigyan ng project sa pelikula si Valerie ng Star Cinema. Samantalang si Angel na mas naunang napabalita na gagawa ng pelikula sa Star Cinema, hanggang ngayon ay nakatengga pa rin. Kaya ang tukso o kantiyaw ng mga manunulat, tinalbugan ni Valerie si Angel. "Like, nagkaroon aga ako ng chance na gumawa ng movie with Vhong Navarro. At may regular show pa rin ako sa ABS CBN. "I'm sure naman, may mga plano rin talaga ang Star Cinema kay Angel. Hindi naman mawawala `yon, eh. Nagkataon lang siguro na mas nauna akong gumawa ng movie sa Star Cinema kesa sa kanya," sabi ni Valerie. Well, sabi naman ng staff ng Star Cinema, niluluto na ngayon ang project na pagsasamahan nina Angel at Piolo. Tuloy na tuloy raw `yon, at walang dahilan para hindi `yon masimulan at matapos ngayong 2008. Siyanga pala, kasama rin sa Supah Papalicious sina Makisig Morales, Pokwang, Empoy, Baron Geisler, at Mura. Source: Abante |