|
|
| Angel, unang nag-abot ng tulong kay CristineAuthor: Gerry Ocampo Nililinis pa rin hanggang ngayon ang binahang bahay ni Cristine Reyes sa Provident Village pero ang ikinagulat nila ng humupa ang baha ay naglipana naman ang mga ahas sa loob ng kanilang bahay. Kahit pa nalubog sa baha ang bahay ay wala silang balak ibenta ito dahil may sentimental value umano ito sa kanila. Nalaman din namin na magkapitbahay pala sina Ara Mina at Angel Locsin, at unang nag-volunteer daw ang dalaga na puntahan nila at tulungan si Cristine. "Sabi ni Angel puntahan namin si Cristine at dadalhin daw niya 'yung Hammer niya. Sabi ko hindi rin puwede dahil lulubog din sa laki ng baha ang sasak-yan ni Angel at lulubog din kami, 'di ba? Kaya hanggang doon lang kami sa labas na walang baha. Nagkita yata sila ni Richard at dahil may speedboat itong dala at siya na lang ang pumunta at naghintay na lang kami ni Angel sa sasakyan," kuwento ni Ara. "Kapitbahay ko kasi si Angel at siyempre nag-aalala siya nang mabalitaan niya ang lagay ni Cristine at isa talaga siya sa mga tumulong. Na-appreciate namin 'yun. Mabait si Angel," say pa ni Ara. Dahil safe na ang kapatid at magulang ay nag-iikot naman ngayon si Ara para tumulong sa mga kababa-yang nasalanta ng bagyo sa Quezon City at sa Marikina para makatulong. Hindi naman umano galit si Ara sa naging mabagal na aksiyon ni MMDA Chairman Bayani Fernando nang humingi siya ng tulong para sagipin ang kapatid sa Marikina. Naiintindihan daw niya na kaya hindi agad nakagawa ng aksiyon si Fernando ay marami rin daw itong tinulungan nu'ng time na humingi siya ng saklolo. * * * SA victory party ng Yaya & Angelina: The Movie ay hindi nakadalo si Michael V dahil nagte-taping ng Bitoy's Funniest, kaya naman si Ogie na lang ang nakausap ng press. Very happy si Ogie dahil kumita ang movie nila ni Bitoy kahit pa binagyo ang Maynila. Kaya sobrang pasasalamat ni Ogie sa lahat ng fans nila ni Yaya. Ikinuwento rin ni Ogie na magkakaroon siya ng concert sa Nov. 14 sa Araneta Coliseum at ang kikitain ay ido-donate niya sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Kinakausap pa ni Ogie ang mga kasamahan sa showbiz para samahan siya sa gagawin concert na ang ma-kikinabang ay 'yung mga biktima ni Ondoy. Iginawa rin niya ng kanta si Noynoy Aquino at ibinigay na niya kay Kris Aquino. Sa tanong kung magkano ang ibinayad sa kanya para gawan ng kanta si Noynoy, sinabi nitong, "Wala. Libre 'yun, tulong at suporta ko yun kay Kris Aquino sa pagtakbong Pangulo ng Kuya Noynoy niya. " Kailan naman ang matagal nang naudlot na pagpapakasal nila ni Regine Velasquez na hinihintay na rin ng kanilang fans? "Naku! Hindi ako puwedeng magsabi kung kailan. Kasi nga hanggang ngayon ay hindi pa rin na-annul ang kasal namin ni Michelle Van Eimeren. Masaya naman kami ni Regine ngayon at walang problema," aniya. * * * Espesyal ang episode ng House Life ngayong Sabado dahil tatlo ang ipinagdiriwang ng programa -- ang bago nitong timeslot, birthday ng co-host na si Tristan Jovella at first year anniversary ng show. Para sa kanilang anniversary, naghanda ng major house makeover ang House Life sa avid viewer nilang si Nornelyn Cachuela at ma-kikita na ang bago nilang tahanan. Ipapakita rin sa show ang isang authentic na bahay na bato na nasa gitna ng siyudad, ngayong Sabado sa bagong timeslot na 8 pm sa QTV-11 * * * Sinadya talagang hindi ipaalam ni Senator Bong Revilla at Lani Mercado ang pagpunta nila sa mga sina-lanta ng bagyo para mamigay ng relief goods. Marami na silang nalibot na lugar para ipamigay ang dalang tulong sa mga taong biktima ni Ondoy. Pero dahil hindi maiiwasan, nakita sila ng mga TV network kaya hindi nai-lihim ang ginagawa nilang pagtulong sa mga kababa-yan sa Cavite at iba pang panig ng bansa. Sa Linggo ay tuloy sa pagho-host si Sen. Bong ng Kap`s Amazing Stories, pagkatapos ng Imbestigador sa GMA-7. Source: People's Tonight |