Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angel-Luis, patatag nang patatag ang relasyon!

Angel-Luis, patatag nang patatag ang relasyon!

Author: Rey Pumaloy

Halatang in love na in love si Angel Locsin kay Luis Manzano. Kasi naman, sa tuwing katsika namin si Angel, at si Luis ang topic, kitang-kita ang pagning­ning ng kanyang mga mata, at sobra-sobrang kilig, 'no!

“Talaga? Obvious ba? Hindi naman, ah!” pangiti-ngiting pagtanggi ni Angel.

Pero siyempre, bawi ni Angel, si Luis talaga ang isa sa mga nagpapasaya at nagpapakilig sa kanyang puso ngayon.

Pero, hindi raw dahilan 'yon para makalimot na sila, o maging possessive sa isa't isa. Katuna­yan, sila raw ni Luis ang tipo ng magkarelasyon na hindi madalas magbantay sa gawain ng isa't isa.

“Tulad nu'ng nasa Korea ako, kami ni Luis, pag alam naming nasa ibang bansa ang isa, hindi kami 'yung nangungulit na, 'Oh, nasaan ka na?

Nakauwi ka na pala, bakit hindi ka tumatawag?'

“Ako talaga, hindi ako ma-check na tao. Binibigyan ko ng freedom si Luis.

“Pero, kung gusto niya akong tawagan, 'di tawagan niya ako. Ganun din ako sa kanya.

“Kung hindi naman, at busy talaga kami, okey lang 'yon,” kuwento ni Angel.

Masaya si Angel na habang tumatagal ay patuloy raw na tumatatag ang relas­yon nila ni Luis. Na kahit hindi raw sila masyadong nagkikita, ramdam nila na matatag na matatag pa rin ang samahan nila.

“Well, siyempre nandoon talaga 'yung love sa amin. Kami kasi ni Luis, hindi namin hinahadlangan ang pagu-grow ng isa't isa.

“Pag nagtatrabaho siya, magtatrabaho siya. Ganun din ako, na pag nasa trabaho, trabaho talaga ang iniisip ko.

“Kami ni Luis, alam namin kung ano ang prio­rities namin,” paliwanag ni Angel.

Para kay Angel, mas naging matatag ang samahan nila ni Luis, matapos ang problemang pinagdaanan ng relasyon nila.

Anyway, masaya si Angel sa magandang ratings ng Only You, na pinagbibidahan nila ni Diether Ocampo at Sam Milby.

Source: Abante