|
|
| Angelica, Cristine, Roxanne at Valerie, katakam-takam! JC, aalis sa Survivor Philippines?![]() Author: Dondon Sermino SIGURADONG maraming barako ang excited na matikman ang bagong ihahain na pinakamasarap na dessert ng ABS-CBN, ang all-female gag show na Banana Split. Sabi nga, katakam-takam ang pagsasama-sama ng mga pinakaseksing artista ngayon sa Channel 2 na sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Roxanne Guinoo, at Valerie Concepcion, pati na sina RR Enriquez, Princess Ryan, at Dianne Medina. Tunghayan kung paano nila balatan ang panibagong anyo ng katatawanan sa pamamagitan ng kanilang nakakatawa at nakakakiliting mga eksenang hindi niyo dapat palampasin. Sa October na magsisimula ang Banana Split. Isang castaway daw ang gustong umalis sa Survivor Philippines? Sabi, muntik na raw mag-quit sa Survivor Philippines ang hardcourt Heartthrob na si JC Tiuseco. Dahil sa labis na pagkagutom, nanghina nang husto si JC at gusto nang umuwi ng Pilipinas. Maselan sa pagkain ang Chinoy na San Sebastian basketball varsity player kaya hindi niya masikmura ang pagkain ng hilaw na bigas at isda, ang karaniwang pagkain ng mga castaway sa unang araw nila sa isla. Ayaw rin inumin ni JC ang tubig nang malamang pinaglalanguyan ito ng mga insekto kaya nadagdagan pang lalo ang kaniyang panghihina. Sumali si JC sa Survivor Philippines para magkaroon ng pagkakataong mapanalunan ang P3 milyon. Pero ngayong naranasan na niya ang buhay sa isla, mukhang hindi niya kakayanin ang mga pagsubok na ibibigay sa kanila. Aalis na nga bang talaga si JC sa Koh Tarutao? O ang pagiging mahina niya ay strategy lang para hindi siya magmukhang banta sa ibang castaway? Abangan ang kasa-gutan sa Survivor Philippines, gabi-gabi pag-katapos ng Kim Samsoon. Source: Abante |