|
|
| Angelica Panganiban hindi hihinto sa 'pagbuyangyang'![]() Author: Tonee Coraza WALA raw sinasabi si Angelica Panganiban na hihinto na siya sa pagpapa-sexy ngayong nagkabalikan na sila ng kasintahang si Derek Ramsay. Naiintindihan naman daw ni Derek ang pagpapa-sexy niya kaya hindi ito isyu sa kanila. Sa katunayan, super- sexy siya sa bagong gag show na Banana Split kung saan kasama niya ang mga sexy ring sina Cristine Reyes, Roxanne Ginoo at Valerie Concepcion. Hindi tulad noon sa gag show na Goin' Bananas na puro lalaki ang cast, puro girls naman sila rito. At ang guests nilang mga lalaki ang 'paglala-ruan' nila this time like John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Jake Cuenca at Zanjoe Marudo. Hindi pa niya alam kung kailan magge-guest ang kanyang BF na si Derek, pero okey lang daw na 'pagtripan' ito ng mga ka-samahan niyang girls sa show. May natutuhan daw siya nang pansamantalang naghiwalay sila ni Derek noon. Na-realize niya kung gaano ka-importante ang BF sa kanya, at hindi na siya papayag na magkahiwalay pa sila ulit. Siguro raw ay masaya 'yung mga taong nang-intriga sa kanila nang hus-to ni Derek noon kaya nag-split sila. * * * NAKAUSAP din namin si Cristine Reyes sa presscon ng Banana Split tungkol sa napabalitang suicide attempt niya. Pero, bago ang lahat ay tiningnan muna namin ang wrists niya at nagulat kami dahil may mga ta-hi nga 'yun. "Naku, matagal na 'yang scars sa wrists ko. Noong 14 years old pa 'yan. Totoong naglaslas ako ng pulso dahil sa love, pero that time wala pa ako sa hustong pag-iisip. This was before pa na pumasok ako sa StarStruck. "Ngayong 19 years old na ako, I know better na. Hindi ko na iisipin pang mag-suicide. At sa-ka hindi naman ako na-depress dahil naghiwalay naman kami nang maayos ni Dennis. Pareho naming ginusto ito alang-alang sa indivi-dual career namin," kuwento ni Cristine. Nag-text nga raw si Dennis sa kanya nang nabalitaan nito na nag-suicide attempt siya. At nag-reply naman daw siya ng: "Okey lang siya. " Kaya raw siya na-ospital ay dahil sa over fatigue because araw-araw ang taping niya. M-W-F ay nasa Kahit Isang Saglit siya tapos T-S ay nasa Eva Fonda at tuwing Thursdays naman ay nasa Banana Split taping siya. Pero napansin lang namin na may red marks si Cristine sa kanyang wrists, bukod sa lumang peklat niya. Anyway, pinabulaan din niya na sumugod siya sa GMA-7 para komprontahin si Dennis Trillo sa SOP. Ang dating handler niya sa StarStruck na si Che ang pinuntahan daw niya sa GMA-7. Alam naman daw niya na wala si Dennis that time at hindi na niya kailangang komprontahin ang aktor dahil naghiwalay sila nang ma-husay nito. Napag-usapan nila na mag-break up na for good para pareho silang maka-pag-concentrate sa individual career nila. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya tumatanggap ng bagong suitors dahil sa trabaho nga niya siya naka-focus ngayon. * * * NAGKAROON kami ng chance na makita in person sa Dolce Bar ang 40 boys and girls na contestants sa ni-revived na Face of The Year. Tulad nang dati, pi-ling-pili ang contestants na pawang nag-aaral sa exclusive schools. Although may nakita ka-ming isang male contestant na beterano na sa mga personality search na ganito. Dapat hindi na ito isinali. Among the male contestants, napansin namin ang candidate nos. 1, 5, 12 and 20 (sorry 'di na-min kabisado ang names nila). Kamukha ni Joseph Bitangcol ang male candidate no. 1 at pinaghalong Patrick Garcia at Isko Moreno naman ang candidate no. 12. Pinakamatangkad ang no. 20, kaso payat ito. The pageant will be held at Pagcor Parañaque on Sept. 28. Source: Taliba |