Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelica Panganiban naisahan si Derek Ramsay

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

TWO years nang solong uma-attend ng Star Magic Ball ang sexy-actress na si Angelica Panganiban.

But this time, naisahan niya ang boyfriend na si Derek Ramsay dahil pina-block nito ang lahat ng appointment ng actor para lang maging ka-date nang gabing 'yon.

Sabi nga ni Derek, nagka-kataon daw na lagi siyang may naka-schedule na taping noon kapag event na ng Star Magic kaya hindi niya nasasamahan ang girlfriend.

Pagmamalaki ni Angel, napakahaba ng hair niya nang gabing 'yon dahil nakasama niya nang buong gabi ang boyfriend, at first time din daw na naka-bonding ni Derek ang Kapamilya stars.

Samantala, nagbabalak palang magbakasyon ng young couples ng two months abroad. It's either daw sa Maldives or Fiji. Pareho raw kasi nilang gustong puntahan ang mga nasabing lugar, pero pumipili pa sila kung saan.

Plano ring dalhin ni Derek si Angel sa England para ipakilala sa kanyang grandmother na naka-base doon.

Ayon sa Fil-Australian actor, lahat ng family niya ay pupunta sa England para dalawin ang matanda. Very thankful naman si Angelica dahil napakasuwerte niya sa pagmamahal ni Derek.

* * *

ANG isa pang masuwerte sa pagkakaroon ng boyfriend ay itong si Rica Peralejo.

Kasama niya ang boyfriend na si Joseph Bonifacio sa Star Magic Ball.

Natutuwa ang Kapamilya artists ni Rica para sa kanya dahil natagpuan na nito ang lalaking maghahatid sa kanya sa altar.

Tuloy, ang daming nagtatanong sa dalaga kung kailan daw ba talaga ang kasal nila ni Joseph. Wala kasing sinasabing exact date ang morning show host ng Umagang Kay Ganda. Sabi lang niya ay pumipili pa sila ng month. It's either December or January daw at na-pagdesisyunan nila na ga-win itong beach wedding.

Hindi pa rin daw finalized kung sinu-sino ang na-sa kanilang entourage, pero sinabi ni Rica na kasama sa principal sponsors sina Pin Antonio at Coney Reyes. Nasa entourage din daw sina Pinky Webb at Kim Atienza at ang kanyang maid of honor ay ang kapatid na si Paula Peralejo at best man ang kapatid ng kanyang boyfriend.

Ngayon pa lang ay happy na si Rica, pero kinakabahan daw siya habang nalalapit ang kanyang kasal.

* * *

KAPAMILYA pa rin si Claudine Barretto at mag-kakaroon siya ng teleserye kasama ang kapatid na si Gretchen.

Si La Greta ang very vocal sa teleseryeng gagawin nilang magkapatid dahil, ayon sa sexy-actress ay su-per-excited na siyang ma-katrabaho ang younger sis. Ipinagmamalaki pa ng live-in partner ni Tonyboy Cojuangco na sina Christopher (Boyet) de Leon at Derek Ramsay ang kanilang magiging leading men ni Claudine. First time din daw ni-yang makakatrabaho si Boyet kaya super-excited siya.

* * *

NALOKA naman kami sa column feed na ito tungkol kay Department of Tou-rism Secretary Joseph 'Ace' Durano.

Kung si Durano raw ay isang pelikula, tiyak blockbuster at kung Ace naman sa isang TV series, siya'y top rater. Sabagay may ka-tuwiran naman dahil macho at artistahin ang Tourism Secretary. Katunayan isa sa assets niya ang kaguwapuhan.
Dahil din sa kanyang karisma kaya ang kasaysayan ng turismo ngayon sa ating bansa ay nagtala ng mga bisitang apat na milyong turista sa loob lamang ng anim na buwan (January-June 2009).

Source: Taliba