Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelica bagay kay Dingdong

Angelica bagay kay Dingdong

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

IT'S confirmed, si Bea Alonzo na ang gaganap na Betty La Fea sa ABS-CBN.

Pagkalipas ng ilang buwan ding paghahanap at paghihintay kung kanino nga ba dapat na mapunta ang pinakamimithing role na Betty La Fea, hayan at si Bea na nga ang nagwagi.

Matatandaang ilan sa mga pinagpilian sa naturang title role ay sina Anne Curtis, Valerie Concepcion, at Angel Locsin.

Naging kontrobersiyal pa nga ang said original Co-lumbian comedy hit na muling bubuhayin ng Kapamilya network nang sumabog ang chikang ini-offer ito kay Regine Velasquez, pero nagdesisyon ang songbird na ma-natiling Kapuso talent.

As for Bea, welcome breather ang komeding ito for her pagkalipas ng dalawang aklat ng Maging Sino Ka Man na nagwaging Best Drama Series ng Star Awards for Television noong Oktubre.

For sure, nagdiriwang ngayon ang diehard at solidong Bea Alonzo fans dahil sa idolo nila napunt ang Betty La Fea at tinalbugan nito ang iba pang umaasa for the role.

Nominado rin si Bea for best actress sa Star Awards for Movies naman ng PMPC, para sa One More Chance nila ni John Lloyd Cruz.

Kumpirmado na ang said awards night na gaganapin sa June 20 sa AFP theaqter sa Camp Crame, Quezon City, produced ng GARP Entertainment Productions.

* * *

HOW would you like to see Dingdong Dantes and Angelica Panganiban in one frame?

Heto na nga po at nakikita ninyo na silang magkasama in one photo, sa pahinang ito.

Nope, wala po silang mo-vie or tv show together, kun-di photo shoot ito ng ine-endorso nilang produkto.

Ginanap kamakailan, ang photo shoot na ito ng dalawa ay mula sa bantog na advertising ang fashion photographer na si Ronnie Salvacion, at first time ngang magkasama at magkatrabaho nina Dingdong at Angelica.

Ngayong June ay makaka-sight tayo ng billboards at print ads ng dalawa baga-ma't dati nang endorser si Dingdong.

Kita mo nga naman, at least, kahit sa endorsements man lang ay nakikita natin ang hot property ng GMA-7 na si Dingdong at isang prin-sesa naman ng ABS-CBN na si Angelica Pa-nganiban in one photo.

Ano kaya ang masasabi ng kani-kanilang dyowa na sina Karylle and Derek Ramsey, dahil in fairness ay maganda ang rehistro at chemisty ng dalawa sa shot na ito.

* * *

TALKING about Dingdong Dantes, abut-abot ang kasiyahan niya at the rate things are going sa kanyang career -- endorsements, hit TV show, and soon a movie un-der GMA Films kung saan siya nakakontra-ta.

After the huge successs of MariMar, hu-maharurot din sa ratings ang kanilang Dyesebel ni Marian Rivera sa Kapuso Network.

Unforgettable nga ang pinaghandaang presscon ng GMA-7 for Dyesebel dahil sa poolside pa ng Hotel Sofitel naganap ito, at feel mo talaga ang Dyesebel spirit noong gabing 'yun kaya maraming ho-tel guests ang nakiusyoso sa presscon.

Maging ang ilang hotel staff and guests nga ay hindi napigilan ang mga sarili at nagpa-picture nang walang humpay kina Dingdong at Marian. At magiliw namang hinarap ng dalawa ang kanilang fans.

Last Sunday (May 4), ang Dyesebel: Ang Simula ang nagtala ng highest rating for that day, with 25. 2 percent ratings.

Ang boxing match nina Oscar de Hoya at Steve Forbes ng ABS-CBN ay nagtamo ng 15. 2 percent.

'Yun lang and babu!

Source: Taliba