|
|
| Angelica, todo-indayog alang-alang sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng!Author: Dondon Sermino NAGKASUNDO ang lahat ng talent ng Star Magic na huwag tanggapin ang talent fee nila sa gaganaping concert na Star Magic World Concert Tour, Live In Manila, sa November 13, sa Araneta Coliseum. Sa halip, ibibigay raw nila sa Sagip Kapamilya, para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng ang dapat sana ay kikitain nila. Kung susumahin mo ang talent fee na dapat ay makukuha nila mula sa mga producers ng concert na Star Records Inc., Beginnings at Twenty Plus, at Blue Dream Entertainment, aabot daw `yon sa higit sa limang milyong piso. Kung sa show nila sa Los Angeles at San Francisco California noong June, 45 na artista ang nag-perform, sa Araneta ay aabot daw ng 70 na artista ang magpi-perform, na siyempre pa ay pangungunahan nina Piolo Pascual, Claudine Barretto, Sam Milby, Diether Ocampo, Kristine Hermosa, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Gerald Anderson at Kim Chiu. Nangako naman ang grupo nina Angelica Panganiban, Maja Salvador at Shaina Magdayao na kung matinding init ang ibinigay nila sa mga barako sa Tate, mas dobleng init ang ibibigay nila sa Araneta. Meaning, todo indayog at paseksi ang grupo ni Angelica, alang-alang sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng. Para sa tiket, puwede kayong tumawag sa 911-5555. Tuluy na tuloy naman ang concert na 'Freedom Tour '09' Manila ni Akon sa Oct. 23 sa Araneta Coliseum. Siyempre, si Billy Crawford ang special guest ni Akon. May kinalaman pa rin sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng ang gaganaping concert ni Akon. Nag-volunteer nga si Akon na ibibigay niya ang ilang porsiyento ng kikitain sa concert sa Philippine National Red Cross, para makatulong pa rin sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng. Inamin ni Akon na may madilim din siyang nakaraan. Pero, hindi raw hadlang ang nakaraan para magkaroon ng magandang bukas. “The key is to take it from the dark side and into the light. I'm not gonna be miserable, preachy and unhappy forever. Of course, when you first come out from doing time, you're excited about being free and want to teach everybody what you've learned. But it's like with the name Konvict Entertainment [Akon's record label].” “I always use the name as a reminder of where I don't want to be. It was always for a positive purpose, but some people were falsely translating my message. Just because you presume something a certain way doesn't mean it's necessarily that way. You gotta take the time and get fully educated about it, then judge for yourself. I know people have preconceived notions about me. I'm not who they think I am,” say ni Akon. Ang Freedom Tour 09 ay prodyus ng ALV Events International, OctoArts Entertainment, Tiffany Chocolates at Regal Multimedia Inc., sa tulong ng Human, Calayan Surgicentre, AMA University, ABS-CBN, in cooperation with Crowne Plaza, PCSO, San Miguel Strong Ice, Magnolia Pure Water and SMART. Para sa tiket, tawag na sa 911-5555/ 633-98-25 to 27. May sariling booth din ang Red Cross sa gate ng Araneta para tumanggap ng donasyon. Source: Abante |