Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelica, type paglaruan si Piolo!

Angelica, type paglaruan si Piolo!

Author: Dondon Sermino

BUKOD sa magagandang katawan, ang pagiging kikay at mapaglaro ng mga bidang sina Angelica Pa­nganiban, Cristine Reyes, Roxanne Guinoo, at Valerie Concepcion, ang dapat abangan ng mga manonood sa Banana Split ng ABS-CBN.

Aminado si Angelica, na pinaglaruan talaga nila ang apat na nauna nilang bisita sa show na sina Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, Jake Cuenca at John Lloyd Cruz.

At aminado si Angelica, aliw na aliw siya sa pagla­laro na ginawa nila sa mga lalakeng 'yon.

“Masaya po, kasi sa panahon ngayon, ang babae ang laging iniisahan. So, nakaganti talaga kami sa kanila. Halos mangiyak-ngiyak talaga sila sa amin.

“Hindi pa namin puwedeng sabihin kung ano ang ginawa namin sa kanila. Pero promise, nakakatawa talaga. Nagalit talaga sila sa amin.

“'Yung isang guest namin, muntik na siyang mag-walk out,” kuwento ni Angelica.

Si Piolo Pascual ang pinapangarap ni Angelica na paglaruan sa mga susunod na episode nila ng Banana Split.

“Si Piolo talaga, kasi masarap siyang asarin. At saka, masarap lang siya.

Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na sabi ni Angelica.

Saan at paanong masarap si Piolo?

“Hindi ba siyempre, kapag pinaglaruan o niloko namin siya, kikiligin kami. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Anyway, ipinaalala ni Angelica na hindi lang katawan nila ang makikita sa bago nilang show. Sabi pa niya, kahit hindi sila maghubad, mukha pa lang nilang mga bida, 200% na ang kaseksihan, at siguradong sulit na ang mga barako sa panonood.

Source: Abante