Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelika, Anne at Karylle: Most requested sa FHM

Angelica Panganiban

Author: Allan Diones

Kung meron mang isang female star ngayon na gustung-gusto ng mga kalalakihan na makita sa pabalat at sa mga pahina ng FHM (For Him Magazine) in a sexy pictorial, yun ay ang ganda ni Angelica Panganiban.

Pinapantasya ng maraming kalalakihan ngayon ang dating walang muwang na child star na si Angelica.

Lumabas ang nag-uumapaw na sex appeal at sensuwalidad ni Angelica nang gawin niya ang pelikulang Santa Santita with Jericho Rosales.

Bukod sa mala-anghel na mukha, maputit makinis na kutis at magandang hubog ng katawan ay ang ganda ng height ni Angelica. Pansinin din ang kanyang prominent bumpers.

18 y/o na siya kaya carry na niyang mag-pose for FHM. Ang alam namin ay gusto itong gawin ni Angelica, mukhang ang mommy niya ang kumontra dahil feeling siguro nito ay hindi pa napapanahon para gawin yon ng anak.

Maraming guys ang matutuwa kapag napapayag ng FHM na mag-pose sa kanila si Angelica.

***

Pasok din sa top 3 choices ng kalalakihan (at katomboyan) para mag-FHM sina Anne Curtis at Karylle.

Mukhang sa ngayon ay malabo pang makita sa FHM ang bida ng Kampanerang Kuba dahil nakapagdayalog daw ito sa isang kaibigan na ayaw niyang mag-pose sa nasabing babasahin dahil ito raw ang counterpart ng Playboy magazine sa Pilipinas.

Bukod sa napakagandang mukha ay napakaseksi rin ng Fil-Aussie beauty na si Anne kaya wish ng lahat ng guys na pumayag siyang maging FHM babe.

Nasa #3 si Karylle na dati ay parang boring ang personality pero unti-unting lumabas ang sensuality at sex appeal lalo na nang ma-cast siya bilang si Alena sa telefantasyang Encantadia.

Komportable rin si Karylle sa pagsusuot ng sexy clothes at namana niya ang ganda ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla. Kaya lang ay mukhang malabo ring mag-pose sa FHM si Karylle dahil nang may magbanggit nito sa kanya, ang dayalog niya ay, "No, thanks! Thats not for me."

***

Kanya-kanyang pananaw lang yan. May nalalaswaan sa nasabing magasin, meron ding hindi. Gaya ng FHM covergirl sa buwang ito na si Bianca King.

Para sa kanya ay walang masama sa ginawa niya dahil hindi lumabas na mahalay o bastos ang ginawa niyang pictorial.

Ang iba pang wholesome celebrities na lumabas na sa FHM ay sina Nancy Castiglione (March 2002), Toni Gonzaga (August 2003), Tootsie Guevarra (December 2003), Leila Kuzma (May 2004), Nina (Jan.-Feb. 2005) at ang bida ng Darna na si Angel Locsin.

Unang naging covergirl ng FHM si Angel nung Oktubre 2003. Nitong Marso 2005 ay na-cover din siya kasama ang Axe Dream Girls.

Siya ulit ang covergirl ng FHM sa Oktubre, pagkatapos ni Bianca King. Hindi siya nag-two piece sa kanyang pictorial gaya ni Bianca pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan at kaseksihan ni Angel.

Ang Animax ang nag-coordinate ng nasabing photo shoot dahil in time ito sa pagpapalabas ng anime series na Initial D: Fourth Stage kung saan si Angel ang nag-dub ng boses ng bidang babae na si Kyoko Iwase.

Sa Oktubre 9 (Linggo, 10:00 PM) ang Philippine premiere ng Initial D: Fourth Stage sa 24-hour anime cable channel na Animax.

Source: Abante Tonite