|
|
| Angelika dela Cruz, mas gumanda nang magparetoke?![]() Author: Jojo Gabinete WELL-attended ang presscon kahapon ng Say That You Love Me ng Regal Entertainment Inc. Bida sa pelikula ang loveteam nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Nakakatulong sa promo ng Say That You Love Me ang reklamo ng biological mother ni Jennylyn. Ayon sa legal counsel ng ina ni Jennylyn, idedemanda ng kanyang kliyente ang staff ng Magpakailanman at ang kinikilalang nanay ng young actress dahil pinagmukha siyang masama sa isinadulang life story ng anak. Wala pang statement ang GMA 7 tungkol sa plano ng ina ni Jennylyn dahil naunang magpainterbyu ang kanyang abogado bago nag-file ng kaso. *** Mag-uumpisa sa Lunes (May 16) ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang bagong teledrama ng ABS-CBN. Sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Shaina Magdayao, Angelika dela Cruz, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Kasama rin sa cast sina Hilda Koronel, Jaclyn Jose, Tirso Cruz III at Carmi Martin. Star-studded ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin kaya malaking presscon ang ipinatawag ng ABS-CBN noong Lunes ng gabi. *** Drama ang tunay na passion ni Claudine Barretto kaya mas pinili niya ang Ikaw... kesa Kampanerang Kuba. Para kay Claudine, kuntento na siya sa pagbibida niya sa Marina. Ikinuwento ni Claudine na talagang nakiusap sila ng direktor na si Wenn Deramas sa ABS-CBN management na ibigay sa kanya ang Marina at hindi sila nagkamali dahil nakapag-set sila ng trend. One season lang ang kontrata na pinirmahan noon ni Claudine para sa Marina pero na-extend ito dahil nagustuhan ng televiewers. *** Nakita namin si Angelika dela Cruz sa presscon ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Halata na may nabago sa mukha ni Angelika pero lalo siyang gumanda. Kung totoo man na nagparetoke ng mukha si Angelika, wala kaming makitang masama dahil malaki ang iginanda ng kanyang dating maamong mukha. Karapatan ni Angelika na magpaganda. Afterall, pera naman niya ang kanyang ginastos at wala siyang tao na ginulo o naperwisyo. Kung may kaibigan kami na may similar problem ni Angelika, hindi kami mahihiya na i-suggest na ipaayos niya ang mukha dahil ikadadagdag �yon ng kanyang self-confidence. *** Nasagot ang aming pagtataka noong Lunes nang tawagan kami ng isang malapit kay Senator Lito Lapid para linawin na hindi ito nakikialam at walang plano na makialam sa estafa case na isinampa ni Cristina Decena laban kay Phillip Salvador. Noong Lunes ng gabi, napanood namin sa mga news program ang pagpunta ni Cristina sa senado para magsampa ng kaso laban kay DOJ Secretary Raul Gonzales dahil sa desisyon nito na ibasura ang estafa case ni Decena laban kay Salvador. Kinalampag din ni Cristina ang Commission on Appointments na magde-decide sa confirmation ni Secretary Gonzales bilang Justice Secretary. Ipinalabas din sa mga news program ang pagtanggi ni Senator Bong Revilla sa akusasyon ni Cristina na ginamitan niya ng impluwensya ang DOJ para mapawalang-sala ang kanyang kaibigan na action star. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com. Source: Abante |