Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelu de Leon, muntik mabulag! Zoren, wanted sa Laguna!

Angelu de Leon, muntik mabulag! Zoren, wanted sa Laguna!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

Pulang-pula ang left eye ni Angelu de Leon nang makita namin siya sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Mapula ang kaliwang mata ni Angelu dahil nakatulog siya na suot ang kanyang contact lens.

Naalaala namin ang isang kaibigan na muntik nang mabulag ang mata dahil natulog din siya na suot ang contact lens. Kung natagalan pa ang contact lens sa mga mata ni Angelu, posibleng ma-damage ang kanyang mga mata, at baka maging sanhi pa `yon para mabulag siya. Mabuti na lang at naagapan.

Paalala ito sa lahat ng mga gumagamit ng contact lens na maging maingat dahil masyadong sensitive ang ating mga mata.

Kahit pagod at inaantok, alisin muna ang mga suot na contact lens. An ounce of prevention is worth a pound of cure.

Going back to Angelu, marami ang nasorpresa dahil sa kanyang payat na pangangatawan na resulta ng pagla­laro niya ng badminton at strict diet.

Challenging ang role ni Angelu sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Siya ang two-timer girlfriend ni Dingdong Dantes.

Malaki ang dapat ipag­pasalamat ni Angelu sa GMA 7 dahil sa importansya na ibinigay sa kanya.

Ang role niya sa bagong primetime series ng GMA 7 ang pambawi sa below-the-title at supporting role niya sa isang pelikula na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.
***

“Sikret” ang sagot ni Alyssa Alano nang itanong namin ang halaga ng house and lot na binili niya sa Antipolo City.

Nakapagpundar na si Alyssa ng bahay na matatawag niya na sarili niya at mula sa kanyang showbiz earnings.

Thankful si Alyssa dahil kasama siya sa cast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil malaking tulong ang three times a week taping para sa pambayad niya sa monthly amortization.
***

Hinahanap si Zoren Legaspi ng kanyang pinsan na si Claudio Santamina ng Junction, Cavinti, Laguna. May problema si Claudio at si Zoren ang kanyang gustong lapitan.

Disabled si Claudio. Plastic na ang kanyang paa dahil sa aksidente na resulta ng pagkahulog niya mula sa mataas na buil­ding noong nagtatrabaho siya bilang construction worker.

Madalas na pumupun­ta si Claudio sa Laguna provincial office ng Social Welfare para humingi ng tulong na makarating kay Zoren ang kanyang pa­nawagan.

Sinabi ni Claudio na kilala siya ni Zoren at para patuna­yan na nag­sasabi siya ng totoo, bi­nang­git niya sa mga kausap ang com­plete address ng da­ting tirahan ng aktor sa Pasig City at ang pangalan ng ina ni Zoren.

Source: Abante