Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Angelu de Leon plays sexy villain in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang

A different Angelu de Leon--now slim and sexy--plays Dingdong Dantes's girlfriend and the show's villain in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Author: Rose Garcia

Naalaala ni Angelu de Leon na dati magkasama lang sila ni Dingdong Dantes sa youth-oriented show T.G.I.S., kung saan ang banner pa ng show ay ang love team nila noon ni Bobby Andrews. Dingdong then was more popularly known as the teenager Inaki.

"Uy, pero na-discover ko, one year lang naman pala ang tanda sa akin ni Dingdong!" natatawa niyang sabi.

Sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na magpa-pilot na this February 2, silang dalawa ni Dingdong ang nakatakdang ikasal, pero, biglang dumating nga sa buhay ni Dingdong si Marian Rivera.

Dahil sa mga nakaraang characters daw nila ni Dingdong, aminado si Angelu na medyo naiilang daw siya noong unang i-offer sa kanya ang magiging role niya sa Ang Babaeng....

"Sabi ko talaga, nahihiya po ako. Kulang na lang tawagin niya kong ate."

Pero tinawag ba naman siyang "ate" ni Dingdong?

"Hello! No! Not with this body! Ha-ha-ha!"

At kahit ang naaalala raw niya noong una ay ang looks pa ni Dingdong as Inaki sa T.G.I.S. nga during their kissing scene, kumportable siya na ang ka-kissing scene niya ay si Dingdong dahil alam niyang wala itong malisya.

Very proud din daw siya sa mga nakita niyang transformation ni Dong.

"I'm very, very proud! Alam mong siya yung taong determined, may plano and he knows how to get what he wants. Sobra 'kong proud. Siya yung nakita mong nag-progress. 'Yung way of life niya na nagpaka-director pa siya, businessman. From the little boy, I mean, sobra 'kong happy."

Dugtong pa niya, "Dong will be for me, would always be, someone that I admire. Imagine naman kung lahat ng lalaki ay ganyan, may goal, may prinsipyo, wow naman, he's really a good catch!"

A DIFFERENT ANGELU. Ibang-iba ang dating ni Angelu sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ang laki na kasi ng ipinayat nito at halatang confident sa bago niyang figure. May mga picture rin siya sa taping ng soap na naka-swimsuit ito at ang seksi na nga niya.

Yung pagpapapayat ba niya ay may kaugnayan talaga sa magiging role niya sa Ang Babaeng... bilang si Helene?

"Yeah, I wanted to reinvent. Kasi nga, yung latest or last show ko was Super Inggo [over at ABS-CBN] 'Tapos, nagkaroon pa ng Parekoy [another ABS-CBN show] on the side. Parang I really wanted to reinvent myself. Siyempre, gusto mo na bago naman ang character mo.

"And then, yung case sa Parekoy, one year and several months, I waited, kaso, wala talaga. So, I accepted it. It's a very good role and I could not pass it. Yun... Kumbaga, gusto ko talaga ng bago."

EVIL HELENE. Next to the role of Marian and Dingdong, masasabing isa sa magmamarka at may mahalagang role sa Ang Babaeng... ay ang character na ginagampanan niya.

"Na nakakagulat! Para maisip nila... I'm so blessed and thankful sa GMA para nga maisip nila, to be paired with Dingdong [na] I was with sa T.G.I.S. Hindi ko talaga na-imagine. So, with that, I wanted to give back din naman, to be at my best, di ba?"

Handa na ba siya sa mga magagalit na fans ng dalawa sa kanya?

"Naku, sabi ko nga, handa na 'kong makatanggap ng death threats! Hindi lang sila magagalit sa akin, papatayin pa nila 'ko! Ha-ha-ha!

"It's part of the job. Basta ang sa akin lang, alam ni Marian, alam ni Dong, fan na nila 'ko. I'm just happy."

Gaano ba kasama si Helene?

"Masamang-masama! May pagka-psycho siya. Ibang-iba sa character ko. I had to research. Kahit papaano, pinanood ko yung Basic Instinct, Fatal Attraction, I really took time and effort."

Obvious din ang pagiging daring niya rito. Although nakapag-daring na rin siya sa pelikula, iba rin ba ang pagiging daring na gagawin niya sa telebisyon?

"I know! Ito kasi, mas daring talaga! Parang in a way, siguro, Direk Joyce also has a way of making me feel comfortable doing it. Pero gusto ko naman kasi, I wanted a new package, I wanted a change. I wanted to reinvent and it's part of it. At kahit paano, feel na feel ko ang pagiging actress ko."

Main goal daw niyang maipakita ang versatility niya.

"I think, actually, yun ang isa sa main goal ko. I wanted to be an actress and I would want people to see me as an actress. Sobrang challenge ito sa akin. Kasi, naman...sobrang challenge. I'm happy at sana , ma-maintain ko."

Balik Kapuso na nga siya, so, posibleng tuluy-tuloy na ba ito?

"Puwede...puwede. May possibility for them giving me another chance. Siyempre, it's an honor also at kahit papaano, nagtiwala silang muli. Sobrang siyempre, pasasalamat on my part."

Source: Philippine Entertainment Portal