|
|
| Annabelle Rama on Wilma Galvante: "Inumpisahan niya ang gulong ito, tatapusin ko!"![]() Author: Jojo Gabinete Nagsadya kaninang alas dos ng hapon, April 1, ang talent manager na si Annabelle Rama sa sala ni Judge Henry Jean Paul Inting ng Branch 95 ng Quezon City Regional Trial Court. Kasama ni Annabelle ang kanyang legal counsel na si Atty. Agnes Maranan. Nagpunta si Annabelle sa korte para i-file ang urgent omnibus motion na huwag ipagkaloob ang temporary restraining order (TRO) application at very urgent motion to reset the March 31 hearing ng mag-asawang Wilma at Eleuterio Galvante Jr., ang mga plaintiff sa P7-million damages suit laban kay Annabelle. Sa report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas kagabi, March 31, nagsampa ng P7-million damage suit ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 laban kay Annabelle noong March 17 sa Quezon City RTC. (Click here to read related story.) Ang pag-inhibit ni Judge Inting sa kaso ang unang ibinalita ni Annabelle sa media people nang lumabas siya mula sa courtroom. Ayon kay Rama, nag-inhibit si Inting dahil kaibigan nito ang asawa ng legal counsel ng mga Galvante. "Ira-raffle uli para mapunta sa ibang judge, kasi yung judge nag-inhibit siya dahil yung lawyer sa kabila, best friend niya yung asawa," sabi ni Annabelle. "Ka-golf niya, ka-tennis niya almost every day yung lawyer ni Miss Galvante. Yung lawyer, ka-golf ng judge at yung asawa ka-badminton niya. Kaya mahihirapan daw siya kung hawakan niya itong kaso, kaya bukas ira-raffle. Hindi ko pa alam kung saang judge mapupunta." WILMA STARTED FIGHT. Ayon kay Annabelle, ang lady executive ng GMA-7 ang nag-umpisa ng away nila. Aniya, "Itong kaso na ito, inumpisahan ni Wilma at siya ang nag-umpisa ng away. Kasi ako, never akong nag-start ng away. Inumpisahan niya, inaaway niya ako for five years. Inumpisahan niya ako. Nananahimik na ako for almost one month. Hindi ko akalain na magpa-file siya ng case against me. "Ngayon, nag-file na siya against me. Lalabanan ko na siya. Hindi ko na ito uurungan. Ipaglalaban ko ang sarili ko. Ang feeling ko, parang inaapi-api niya ako kasi nasa mataas na posisyon siya, kaya lalabanan ko siya. Hindi ako uurong sa demandang ito. "I'm just here as a manager, to protect my talent. Kasi manager ako, e. Siyempre, kailangan kong ipagtanggol ang mga talent ko na feeling ko nadedehado at naaapi. Napunta ako sa kasong ito dahil sa pagtatanggol sa mga alaga ko," saad ng talent manager. Wala raw kinalaman ang anak niyang si Richard Gutierrez sa kaso niyang ito kay Ms. Wilma.
"Laban ito ng dalawang talents ko [JC de Vera and Heart Evangelista] na inaapi-api ni Wilma Galvante. Yun lang ang ipinaglalaban ko as a manager. This is my job, to fight for my talents! "Alam n'yo, may statement na si JC, makukuha n'yo na rin bukas. Tingnan ninyo doon kung sino ang tama, ako o si Wilma? Kayo na ang maghusga. Kapag mabasa ninyo ang aking affidavit bukas, pati kay JC, doon na kayo mag-iisip kung sino ang nagsasabi ng totoo. Kung ako o siya...," saad ni Annabelle. P7-MILLION CASE. Nilinaw rin ni Annabelle na bagamat executive ng GMA-7 si Ms. Wilma ay labas daw ang Kapuso network sa legal battle nila. "Against me ang kaso, pero kapag binasa mo, puwede ka naman kumuha ng kopya ng reklamo ni Wilma Galvante, hindi ito GMA na laban, ha? Ang kalaban ko si Wilma. Kung babasahin mo ang statement ni Wilma, yung umpisa pa lang, JC na kaagad. "Seven million-peso damages? Hintayin mo ang sagot ko! Magpa-file kami bukas [April 2] ng mga 11:30 a.m. You can get my copy, doon na lang kayo kumuha ng information. Kasi ngayon, hindi pa ako puwedeng magsalita dahil ipa-file pa lang bukas. Mag-e-enjoy kayo bukas kapag nabasa ninyo," sabi ng Gutierrez matriarch. Patuloy niya, "Inaasahan ko ito, matagal na. May nagsabi na sa akin na hindi ko babanggitin ang pangalan kasi repsetadong tao siya at big boss siya. Sinabi niya sa akin na nagpaalam sa kanya si Wilma Galvante na kakasuhan ako. Pero ang maganda lang nito, hindi makikialam ang GMA, yun ang maganda diyan. "Laban naming dalawa ni Wilma. Kaming dalawa ang maglalaban-laban. Walang GMA na makikialam. Tama naman sila na kapag lumaban si Wilma sa akin, dapat hindi makialam ang station. "Kaso ito ni Wilma. Gusto niya ako labanan, gusto niya ako idemanda. Puwes, lalabanan ko siya. Hindi ako aatras," mariing sabi ng Annabelle. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang pamilya tungkol dito? "Sabi nila sa akin, 'Mommy, ilaban mo' yan. Alam ko naman magaling ka diyan... Good luck.'" Hindi ba maaapektuhan nito ang talents niya na nakakontrata sa GMA-7? Source: Philippine Entertainment Portal |