Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Annabelle Rama, reyna ng TV! KC-Chard, magsisimba sa Cebu

Annabelle Rama, reyna ng TV! KC-Chard, magsisimba sa Cebu

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

HOY, kayong mga hindi nakakapansin o hindi nakakaalam, makinig kayo!
Alam niyo bang si Annabelle Rama ang kasalukuyang reyna ng telebisyon? And she's both reigning on GMA network and ABS-CBN.

Base on my nearsigh­ted eyes, tatlo pala sa mga alaga ni Bisaya are reigning on GMA network's Kapuso primetime teleseryes.
Richard Gutierrez is leading the pack on GMA network. Followed by Heart Evangelista's “Luna Mystica” and thirdly, JC de Vera's “Lalola”.

With her three alagas, muntik na palang nakopo ni Bisaya ang primetime kung sa kanya pa rin sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, noh!
Dalawang “D” ang nakawala kay “B”, na mga alaga nina “P” at “P”. Oh, debah naman PD-PD 'yan?

Dingdong Dantes is manage by Perry Lansigan. And Dennis Trillo is manage by Popoy Caritativo.

Sa ABS-CBN naman, may “I Love Betty La Fea” ang unica-hija ni Bisaya na si Ruffa. That's daily every night Mondays to Fridays.
Pagdating ng Sunday, may “The Buzz” pa rin si Rufita na katapat pa mandin ng “Showbiz Central” hosted by Raymond Gu­tierrez, kakambal ni Richard!

Gosh! What a feat!
Walang PAMI member o sinumang manager ang nakagawa na o makakagawa pa ng ganyan, ha! Nag-iisa lang talaga si
Bisaya 'Dong!

Kaya naman pag nagmamarakulyo si Bisaya ay hindi na siniseryoso ng mga taga-networks dahil may karapatan naman pala talaga si Bisaya na magbunganga!

Kasi sa review namin ng mga 1995 VHS tapes namin, noon pa pala ay may reklamo na rin si Bisaya sa GMA network. But still, doon pa rin niya pinapirma sina kambal.

I am sure ecstatic si Bisaya ngayon. Super-blockbuster ang kanyang concert para sa birthday ng love of her life na si Eduardo.
Kumbaga, birthday dinner pala 'yung naganap sa Crowne Plaza Hotel with matching show nga lang na per plate ang dinner! Ha! Ha! Ha!

And then kahapon, hanggang tenga ang ngiti ni Bisaya dahil sa bonggang presentation ng “SOP” para kina KC at Richard kaugnay ng pelikula nilang “When I Met U” na may bongga pa ring premiere night bukas ng gabi.
And here's the sad news: Ubos na ang mga tikets para sa preem nite. At pati na mga press people, entitled lang sa one ticket.

After “SOP” sa “Showbiz Central” naman sila sumalang na dalawa. And like “SOP” who welcomed KC and Richard, si Raymond Gutierrez, the other half of the Gutierrez twins ang siya pa ring nag-welcome sa kuya niya sa toprated talkshow niya.

Eh ano pa nga ba ang hahanapin ni Bisaya ngayon - may mahihiling pa ba siya?

Ah, meron. Sa Poong Sto. Niño de Cebu sila magsisimba ni Richard at KC (ewan ko kung papasok sa simbaan si KC kasi kapastorya ng Papa ko 'yan, eh!), minsan pa ay hihilingin ni Bisaya na this time, sana raw mahigitan ng GMA/Regal Films “When I Met U” ang kinita ng Star Cinema movie na inilaglag na ngayon ang gross at may iba ng pinaboran! Oh, tama na naman ba ako Bisaya?

Well, just leave everything to God and He will definitely provide! Goodluck!

Source: Abante