|
|
| Annabelle at Malou, dumaan sa butas ng karayom![]() Author: Vinia Vivar LAST Saturday, nagbigay na ng official statement ang GMA Films hinggil sa mainit na pinag-uusapan ngayong pagtatambal sa pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Ang official statement ay binasa ni Joey de Leon sa Startalk, na ganito ang nakasaad: "We originally wanted a co-production agreement with Star Cinema. But what we came up with is a compromise deal dahil po ito ang hiling ng tao, matutuloy po ang Richard-KC movie. "Pero ito po ay isang special arrangement na may katapat na deal sa GMA Films. Abangan na lang po natin ang magandang balita sa pagbalik ni KC sa Paris, ni Richard sa Dubai, at ni Annette Gozon of GMA Films mula sa Europa para sa special announcement. " Sa E Live naman, nagsalita na si Annabelle Rama, ina ni Richard, na kasamang pumirma ng aktor sa Star Cinema last Friday. Ayon kay Tita Annabelle, isang buwan daw inabot ang negosasyon nila ni Malou Santos, managing director ng Star Cinema. Dumaan daw sila sa butas ng karayom bago napagbigyan ni Ms. Gozon ng GMA Films. "Haping-happy ako, 'Day, 'no? Ang tension ko, nawala na, kasi lagi akong 'di makatulog. Ilang manghuhula na ang tinawagan ko, tuloy daw talaga," pahayag ng ina ni Richard. Sina KC at Richard daw talaga ang gustong matuloy ang movie. Tinanong pa nga raw ng young actress si Tita Annabelle kung kailan ang contract signing ni Chard, dahil siya raw ay tapos na. "Ibig sabihin, talagang silang dalawa ang may gustong magkatuluyan itong project na ito," sabi pa ni Tita A. Going back to the deal, mukhang may katotohanan nga ang nabanggit ng aming source na maghihiraman ang Star Cinema at GMA Films. Mukhang ang deal nga ay ipahihiram ng GMA Films si Richard at ipahihiram naman ng Star Cinema si KC. Ayon pa sa source, ang Richard-KC movie ng GMA Films ay ipalalabas sa February next year bilang Valentine offering. First time ni Val to travel sa isang U. S. territory kaya naman looking forward na ang young actress-TV host, lalo pa nga't nabalitaan niya na maraming mga kababayan natin ang nag-aabang doon sa kanya. Nagpapasalamat din si Valerie sa ABS-CBN dahil binigyan na naman siya ng regular show at ito ay ang Banana Split with Anne Curtis, Kristine Hermosa, Riza Santos at Bangs Garcia, na malapit na ring i-ere. Magtatambal sina Jake at Bea sa isang horror movie under Star Cinema na lihim pa ang titulo at ididirehe ni Rico Ilarde. Maganda raw ang materyal ng nasabing pelikula and in fact, balitang may playdate na ito this year. Dati nang napabalitang may gagawing horror movie si Bea Alonzo at ito ay ang 'Wag Kang Lilingon 2, pero iba raw ito sa movie ng young actress with Jake. Huling napanood si Bea sa pelikulang One More Chance with John Lloyd Cruz. Sinasabing ito na nga raw muna ang huling pagtatambal ng dalawa dahil susubukan naman silang ipareha sa ibang artista. Bagong putahe ang Jake-Bea loveteam and let's see kung mahihigitan or mapapantayan nito ang success ng John Lloyd-Bea tandem. Source: People's Tonight |