Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Annabelle at Wilma, nagbati sa L.A.

Annabelle at Wilma, nagbati sa L.A.

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

LOS ANGELES: Ikinalungkot ng isang Filipino male singer ang cancellation ng kanyang apat na show sa Amerika. Ang US recession ang ibinigay na dahilan ng mga concert producer kaya hindi na matutuloy ang mga show ng singer.

Inip na inip na ang singer sa pamamalagi niya sa Amerika. Plantsado na ang kanyang balak na umuwi ng Pili­pinas sa Pasko. Walang mangyayari kung mananatili siya sa US dahil may mga concert na naghihintay sa kanya sa ating bansa.
***

Magkasabay na dumating sa Los Angeles sina Marian Rivera at Chris Tiu noong Martes ng gabi. Nakasakay sa wheelchair si Marian nang lumabas ito sa eroplano, pero pinilit niya na maglakad nang makarating siya sa lobby ng LAX.

Ang concert produ­cer na si Aida Arceo ang sumalubong kay Marian at sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Kasabay rin nilang dumating si Raymond Gu­tierrez at ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Naririto si Marian para sa dance concert nila ni Dingdong Dantes na gaganapin mamayang gabi sa Shrine Auditorium. Ang taping ng Pinoy Records sa US at ang co­verage ng Pacquiao-Dela Hoya boxing match ang pakay ng pagpunta ni Chris sa California.
***

Nagkita sa Los Angeles International Airport noong Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga sa Pilipinas) si Annabelle Rama at ang GMA 7 Senior Vice-President for Entertainment Wilma Galvante.

Magkasabay ang flight nina Ma'am Wilma at Richard Gutierrez na parehong LA bound. Pumunta sa LA si Ma'am Wilma para sa dance concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at mula dito, tutuloy siya sa Las Vegas para magbigay ng moral support kay Manny Pacquiao sa laban nito kay Oscar Dela Hoya.

Kasama ni Ma'am Wilma ang kanyang anak na si Clara at ang Regal Films producer na si Mrs. Lily Monteverde.

Nang dumating sila sa LAX, nakita nila sa arrival
area ang mag-asa­wang Eddie at Annabelle na susundo kay Richard.

Ikinatuwa ni Mother Lily ang mga sumunod na eksena.

Si Tito Eddie ang unang lumapit kina Mother Lily at Ma'am Wilma.
Nag-usap sila at nang makita ni Maam Wilma si Annabelle na nakaupo sa wheelchair, kinumusta niya ang kalagayan ng nanay ni Richard.

Natuwa si Mother Lily sa kind gesture ng GMA 7 executive. Dating magkaibigan sina Ma'am Wilma at Annabelle. Nagkaroon sila ng falling-out nang akusa­han ni Annabelle si Ma'am Wilma na pinapaboran nito si Dingdong kesa kay Richard.
***Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

Source: Abante