|
|
| Annabelle at Wilma, nagpang-abot!Author: People's Tonight MAAGA pa lang ay alam na ng ilang showbiz writer na parehong dadalo sa birthday party ni Roselle Monteverde-Teo ang nagdemandahang sina Wilma Galvante at Annabelle Rama. Kaya naman kahit papalalim na ang gabi'y hindi sila mapakali sa pag-aabang kung magpapang-abot o magpapangita ba ang dalawa. Maagang dumating ang grupo ni Wilma, na kinabibilangan nina Redgie Magno, Marivin Arayata, Lilybeth Rasonable, Gigi Santiago, atbp. Isang source ang nagsabi na sadyang nagpa-late si Tita Annabelle, marahil para maiwasan ang pagtatagpo nila ni Wilma. Pero, nagpang-abot pa rin ang dalawa sa harap ng Imperial Palace Suites. Bandang alas-diyes bumaba ang grupo ng GMA-7 powerful women at habang naghihintay ng sasakyan, nakitsika muna si Wilma sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo. Tamang-tama namang dumating ang isang sasakyang nagluwa kina Tita Annabelle, Carla Humphries at Bubbles Paraiso. In fairness, binati naman ng madir nina Ruffa ang ibang GMA-7 execs, gaya ni Tita Avin. Ilang beses din siyang lumingon sa kinaruroonan nina Popoy at Wilma, pero obviously, hindi nagtama ang kanilang mga mata. Pagpasok nina Tita Annabelle, dumating ang sasakyan nina Wilma at tuluyan na itong umalis ng Imperial. * * * SPEAKING of Popoy, siya na pala ang bagong talent manager ni Janice de Belen. Pormal na raw silang nagkausap at flattered si Poy na humalili sa iniwang lugar ni Douglas Quijano. * * * SAFE nang sabihin na may kapalit na ang dating sex guru at Viva Hot Babe na si Asia Agcaoili sa pagkatao ng baguhang si Paloma. Ito'y lalo na ngayong hindi na gaanong active si Asia sa showbiz dahil may asawa na't anak. Hindi lang sila parehong graduate ng UP Diliman (si Asia, Masscom, si Paloma, Fine Arts), pareho ring maganda, seksi, witty, daring at sex advice columnist ng isang glossy men's mag. Asia na Asia rin magsalita ang 23-year-old na si Paloma, leading lady ni Marco Alcaraz sa pelikulang Pitik Bulag. Inglesera. Maging sa mga produktong ini-endorso, kitang-kita ang pagiging palaban ni Paloma. Kamakailan lang, ipinakilala siya bilang celebrity endorser ng Robust, isang all-natural at BFAD-approved sexual enhancement formula for men na nag-i-increase ng sexual desire at stamina. Bukod dito, endorser din siya ng isang brand ng alak at condom. Regular naman siyang napapanood sa Richard Gutierrez-starrer na Zorro sa GMA-7. Source: People's Tonight |