Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Annabelle, nasalisihan!

Author: People's Tonight

LATE na nag-confirm ng participation niya si Angel Locsin sa RRRampa for a Cause ng magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, kaya hindi na nagawang isama ang pangalan niya sa lay-out poster.

Understandable naman ito dahil bale replacement lang si Angel ni Valerie Concepcion, na ang pangalan ay binura na lang dahil bigla ngang nag-back-out gawa ng problema sa schedule.

Isa si Angel sa maraming sikat na celebrities na magkakaroon ng booth sa celebrity bazaar na gagawin sa umaga ng Sept. 16 sa Rockwell Tent at ang balita namin, ilang personal items at memorabilia ang nakatakdang itinda sa publiko.

Ang ina naman nina Ruffa na si Annabelle Rama ay hindi na magpa-participate sa bazaar dahil nadala sa nangyari nu'ng isang taon sa first charity event sa Market Market.

Kuwento ni Tita Annabelle, mukhang nasalisihan siya ng nagbabantay sa booth niya, dahil sa rami ng items na laman ng sampung maleta niya, P5,000 lang ang inintregang kita.

Pati ang naging problema sa kakulangan ng supply ng mga item for sale nu'ng charity event ni Ruffa ay tukoy na nila.

Umaga pa lang kasi nu'ng nakaraang taon ay nagkaubusan na ng paninda ang mga celebrity, kaya this time, ani Raymond, gagawan nila ng paraan na hatiin ang items na ibebenta sa umaga at sa hapon.

* * *

KUMPIRMADO nang Kapamilya ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Katunayan, bibigyan ito ng presscon ng ABS-CBN next week para sa TV special na may pamagat na From Paris to 'Pinas.

Ang nasabing TV special ay magpapakita ng mga huling araw ni KC sa Paris, kung saan siya nagtapos ng kolehiyo. Ini-expect nang magiging top rater ang special na ito dahil marami na ring sabik sa pormal na pag-entra ng dalaga sa showbiz.

Pero kung ang rumored boyfriend na si director Lino Cayetano ang tatanungin, as far as he knows ay excited si KC sa nasabing TV special. 'Yun nga lang, hindi siya sure kung tuluyan na itong sasabak sa mundong kinagiliwan ng ama't (Gabby Concepcion) ina.

Wala raw alam si Direk Lino sa mga plano ni KC, although ayon sa interview ng The Buzz kay Mega, mukhang type ng anak na magpabalik-balik ng 'Pinas at New York.

Hindi rin maiwasang ikabit ang pangalan ni KC sa bagong lipat sa ABS na si Angel, dahil marami ang nagsasabing matatabunan ng una ang huli. Hindi raw hamak na “bigger star” si KC, kaya sorry na lang ang alaga ni Becky Aguila't wrong timing ang paglipat niya.

* * *

HINDI pala totoong nagkaproblema ang mga show ni Sarah Geronimo sa Amerika.

Ayon sa isang source, punung-puno ang bawat venue ng concert ng dalaga at excited ang mga Pinoy sa Tate na makasama siya.

Sa latest Sarah Geronimo In Motion US Tour, nakasama ni Sarah sa 12 shows sina Mark Bautista at John Prats: August 18, Dayton, OH; Aug. 19, Henderson, NV; Aug. 24, Bakersfield, CA; Aug. 25, San Jose, CA; Aug. 31, San Diego, CA; September 1, Los Angeles, CA; Sept. 7, Jacksonville, FL. Ngayong Sept. 8, nasa Washington, DC, sila; Sept. 14, Chicago; Sept. 15, New York City; Sept. 21, Juneau, AK; at Sept. 22, Kodiak, AK.

Successful ang lahat ng shows sa mga naunang venue except for one na nagkaroon ng problema, ayon mismo kay Vic del Rosario ng Viva.

Medyo na-confuse raw ang fans dahil biglang nagpalit ng lugar na ang layo at hindi basta-basta puwedeng puntahan ng mga tao.

End of this month pa babalik si Sarah para harapin ang shooting ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz at ang taping ng Pangarap Na Bituin.

Source: People's Tonight