Jul 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelp

Annabelle pabor kay Heart para kay Richard

Ang bagong Kapusong si Heart Evangelista ang leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong teleserye ng GMA 7 na kukunan sa Dubai.Pinamagatang Asero, isa itong action-packed na series na magtatampok din kina Ehra Madrigal at Bubbles Paraiso na gaganap di...

 

Annabelle pabor kay Heart para kay Richard

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Ang bagong Kapusong si Heart Evangelista ang leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong teleserye ng GMA 7 na kukunan sa Dubai.

Pinamagatang Asero, isa itong action-packed na series na magtatampok din kina Ehra Madrigal at Bubbles Paraiso na gaganap ding mga kapareha ng itinuturing na highest paid artist ng Kapuso network at muling pumirma nung Biyernes ng tanghali ng panibagong dalawang taong exclusive contract sa GMA kasama ang kanyang ina at tumatayong manager niya na si Annabelle Rama. Kasama pa rin sa Asero sina Richard Gomez, Janno Gibbs at Michael V.  

Nasa kabilang istasyon pa lamang si Heart ay gusto na siyang makapareha ni Richard, gayundin ang ina't manager nito na ang interes sa bagong lipat na aktres ay lubhang napakataas kung kaya inamin nito na hindi siya tutol sakali mang  magkadebelopan ang dalawa habang ginagawa nila ang Asero.

 "Disente si Heart, maganda, magaling umarte, kaya perfect leading lady siya para kay Richard. Hindi rin siya problemang pakainin ni Richard dahil mayaman siya.

"Pero ayaw ko pang mag-asawa si Richard, gusto kong i-enjoy muna niya ang pagkabinata niya. Siguro pagdating niya ng 30 pwede na pero 24 pa lamang siya ngayon. May six years pa siya para magbuhay binata. Sabi ko nga gumamit siya ng  condom at kung sinuman ang girlfriend niya pagamitin niya ng pills para hindi sila magkaproblema," payo pa nito.

* * *

Dumating ng bansa nung Martes ang US Deal or No Deal host na si  Howie Mandel para  magsagawa ng isang special episode para sa around-the-world-tour ng nasabing programa masubukan ng mga darayong American contestants kung paano natin nilalaro ang hit game show dito sa ating bansa.

Habang binabasa n'yo ito ay nakapag-taping na si Howie kasama si Kris Aquino bilang co-host, 26k girls at pati na rin si Banker. Ipakikita ni Mandel sa mga American viewers ang kanyang adventures dito sa Maynila.

Ang two-hour episode ng Deal or No Deal Around the World ay mapapanood sa US sa May 7 at magtatampok sa dalawang American players na maglalaro ayon sa rules ng Kapamilya Deal or No Deal, ang Philipine franchise nito na prodyus ng ABS-CBN ngunit ang laman ng mga briefcases ay US dollars. Sayang nga at hindi ito maipapalabas dito sa atin dahil mahal para bilhin natin ang rights ng US show.

Bago sa 'Pinas, nagkaro'n din ng laro sa Estonia pero mas magarbo ang laro dito dahil dun ang mga modelong nagdadala't nagbukas ng mga cases ay nagtatrabaho rin sa likod ng kamera.

Bukod sa pagho-host ng Deal or No Deal, isa pa ring sikat na stand-up comedian sa Canada si Mandel.

* * *

Muling nagbabalik sa primetime ang reyna ng teleserye na si Claudine Barretto sa Sineserye Presents Maligno.

Bagama't isa na siya sa pinakarespetado at pinakabatikang aktres sa industriya ngayon, inamin ni Claudine na kinakabahan pa rin siya sa proyektong ito lalo pa't ang kanyang gagampanang papel ang nagbigay sa Reyna ng Philippine Cinema ng kanyang pinakaunang Best Actress award noong 1977.

"Sobrang hirap siyempre mapantayan ang nagawa ni Tita Susan Roces. Sana talaga mabigyang hustisya ko 'yong role niya," dagdag pa ni Claudine.

Ngunit wala namang dapat ikabahala pa si Claudine dahil mismong si Susan ang nagbigay ng kanyang two thumbs up matapos masilip ang Maligno sa naganap na press preview sa ABS-CBN Studio 1 kamakailan.

"Ipinagmamalaki ko talaga si Claudine sa performance niya pati na rin ang buong staff ng Maligno. Napakaganda ng pagkakagawa at mahusay ang pagkaka-arte ng bawat isa. Wala na akong hahanapin pa sa remake na ito ng aking pelikula," sabi ni Susan.

Ang Maligno na ang isa sa pinakanakakatakot at pinakakahindik-hindik na palabas na gagawin ng aktres sa telebisyon. Tungkol ito kay Angela, isang babaeng nakatakdang magsilang sa anak ng demonyo.

Makakasama ni Claudine sa proyektong ito ang ilan sa mga tinitingalang artista sa industriya na pangunguhanan ni Ms. Susan Roces, in a very special role, Diether Ocampo, Rafael Rosell, Kim Chui, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy at ipinakikilala si Carlo Lacana. May special participaton din si Ms. Rio Locsin.

Mapapanood na bukas (April 28) sa ABS-CBN.

* * *

May naiibang role na gagampanan ngayong hapon sa Showbiz Central si Dyesebel a. k. a. Marian Rivera. Siya ang magsisilbing interrogator sa Don't Lie To Me, kokomprontahin niya si Dingdong Dantes na uupo sa lie detector seat.

Samantala, ididetalye naman ni Heart Evangelista ang maintrigang kuwento sa likod ng kaniyang paglipat.

 Ano 'to, hindi pa man nalalaunan nang ibunyag ni Rufa Mae Quinto ang ligawan nila ng kaniyang foreigner friend, ngayon hiwalay na raw sila? Alamin ang katotohanan tungkol dito sa intriga capital of the Philippines, ang Showbiz Central.

* * *

Going places na talaga ang aking friend na si Tolits o Shalala, dumarami ang mga shows niya! Bukod sa Walang Tulugan, sali na rin siya sa Kaputol ng Isang Awit bilang isang karaoke bar owner na tinakbuhan ni Sarah (Glaiza de Castro) nang umalis ito sa poder ng kanyang ama (Gary Estrada). at kapatid (Lovi Poe).

* * *

At baka maniwala kayo sa gimikna pag-aaway nila ni Kuya Germs, hindi po totoo ito, scripted lahat para magbigay ng flavor sa Walang Tulugan. Di niya pwedeng lapastanganin si Kuya Germs sapagkat  ito ang dumiskober sa kanya at tumutulong para siya sumikat. Di ba Shalala?

* * *

 veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star