Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Annabelle, rumesbak!

Author: Nitz Miralles

Pinakinggan ng GMA 7 News & Public Affairs ang suggestion ng press na muling gumawa ng documentary si Richard Gutierrez tungkol sa bagyong Ondoy dahil nang mag-guest ang actor sa Mel & Joey, in-announce na mapapanood sa Saturday, October 10, ang documentary tungkol sa mga sinalanta at nabiktima ni Ondoy.

Wala pang title ang documentary, kung saan makakasama ni Richard si Vicky Morales at mapapanood after Jessica Soho Reports.

Magandang follow-up ito sa Signos at Planet Philippines na parehong hosted by Richard.

Samantala, masaya si Richard sa positive feedback sa trailer ng Patient X nila ni Cristine Reyes na showing sa October 28.

There's more to come raw ''pag napanood nang buo ang pelikula sa direksyon ni Yam Laranas.

Ibang klaseng takot ang ibibigay ng pelikula na for a change, 'di tungkol sa multo.

* * *

Akala ng viewers, sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang showbiz couple na ini-report sa Showbiz Central last Sunday na puwede nang magpakasal dahil annulled na ang marriage ng actor.

'Yun pala'y sina Joshua Zamora at Jopay Paguia ng Sex Bbomb ang tinutukoy, pero wala pa ring balak magpakasal ang dalawa na five years ng may relasyon.

May interview din kay Jude Matthew Sevilla, ang Eat Bulaga Birit Baby winner na hanep sa taas ng boses.

Kinanta nito ang winning piece na Hanggang na makakapagpabago ng buhay ng 12-year-old champion.

Ang pinaka-highlight pa rin ng show ay ang report sa mga artistang biktima ng bagyong Ondoy, lalo na 'yung hindi agad na-report, gaya nina Ariel ng Ariel & Maverick, Vaness del Moral, Charming, Buboy Villar, Cynthia at Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb.

Nanawagan naman si Annabelle Rama sa mga naiinggit kay Richard Gutierrez at nag-iisip na gimik para sa Patient X ang ginawa nitong pagliligtas kay Cristine Reyes na tigilan na ang anak.

Hindi raw alam ng mga naninira sa anak kung ano ang naramdaman niya bilang ina na isiping baka may masamang nangyari sa anak nang 'di nila ito makontak sa cellphone.

* * *

Nag-meeting na ang mga taong involved sa fund-raising concert billed Kaya Natin Ito para sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

Isa si Ogie Alcasid sa namumuno na matuloy ang concert, si Rowell Santiago ang director, writer si Noel Ferrer, musical director si Marc Lopez at ang mga talent manager na sina Girlie Rodis, Arnold Vegafria at Shirley Kuan ang in-charge sa sponsors.

Tuwang-tuwa ang grupo dahil ibinigay nang libre ng mga Araneta ang Araneta Coliseum kung saan gagawin ang concert.

Ang lineup ng performers na lang ang inaayos at sana nga matupad ang wish ni Ogie na mapagsama-sama ang talents ng ABS-CBN, GMA-7, TV5 at iba pang networks.

Wish lang namin ay mabago ang date ng concert para 'di sumabay sa fund-raising concert ni Katy Perry sa SM Mall of Asia at 'di mahati ang audience.

Speaking of Ogie, masaya ito na patuloy na pinapanood ng tao ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie nila ni Michael V and as of last Sunday, P57 million plus na ang box-office gross nito at mukhang madaragdagan pa dahil extended ang showing ng pelikula.

* * *

Artista na rin ang younger sister ni Regine Tolentino na si Marissa Maristela at isa siya sa mga bagong talent ng Viva Artist Agency at pumirma ng five-year contract.

May American twang ang 18 years old na newcomer dahil sa matagal na pananatili sa America.

"I wanna act" ang sagot ng dalaga kung bakit pumasok sa showbiz.

Puwede siyang sexy star with her 35-23-35 vital stats and 5' 7" height, pero mas gustong maging beauty queen at sasali siya sa beauty pageant sa right time.

Sa St. Joseph's College sa Quezon City nag-aaral ng Marketing Management si Marissa habang naghihintay ng project sa VAA.

* * *

Sa Stairway to Heaven ngayong gabi, makikita, hahabulin at yayakapin ni Cholo (Dingdong Dantes) si Jenna (Rhian Ramos) at sasabihing si Jodi ito.

Mabubugbog si Dindo (Soliman Cruz) dahil sa utang.

Pupuntahan ni Cholo sa tiangge si Jenna at muling sasabihing siya si Jodi at may dala siyang litrato nila ni Jodi na ipakikita kay Jenna.

Engagement party na nina Cholo at Eunice (Glaiza de Castro).

Source: People's Tonight